^

Pang Movies

Nagpipilit pumasok ng kanyang bahay Bela idinemanda ang lalaking nagpakilalang boyfriend!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Kakatakot naman ang nangyari kay Bela Padilla.

Tatlong lalaki raw ang nagpunta sa kanyang condo buil­ding na ang isa ay nagpakilalang classmate at boyfriend niya at nagpipilit pumasok ng kanyang unit.

Kaya naman kinasuhan sila ng Kapamilya star kahapon ayon sa exclusive na report ni MJ Felipe sa TV Patrol.

Lumalabas na stalker ng actress ang nasabing lalaki at matagal na siyang sinusundan nito.

Anak ni Gladys, masaya ang naging birthday celebration 

Sa bahay muna ang birthday celebration ng unica hija ni Gladys Reyes na si Aquisha.

Sa kanyang Instagram account ay pinost ng aktres ang naging celebration at handa nila para sa 12th birthday ni Aquisha. Ilan sa mga pinagsaluhan nila ay cake, fruit smoothies, baked sushi at iba pa. Kaya naman hindi nakalimot ang aktres na pasalamatan ang lahat ng bumati sa anak at nagluto ng kanilang mga pagkain.

Samantala, thankful si Gladys dahil madami ang sumali sa kanyang online acting class kung saan ibinabahagi niya ang mga natutunan niyang acting techniques sa loob ng 36 taon niya sa industriya.

Kris binalikan ang IG, umaming nagko-kontrol na ng emosyon

Activated na uli ang Instagram account ni Kris Aquino. Kahapon nga ay nag-post na uli siya.

In a nutshell, sinabi ni Kris sa nasabing post na “silence : an act we all know in the past I was incapable of, but I am now living proof, a person can mature and control her emotions.”

Dini-activate nga kasi si Kris ang kanyang IG  matapos ang confirmation na deferred muna ang Love Life with Kris na magpi-premiere na sana this month sa TV5 at  wala pang nakakaalam kung kailan ito matutuloy eh nakapag-promote na siya sa kanyang social media account. Wala rin daw siyang maibigay na explanation kung anong nangyari sa programa niya “because I don’t possess clear facts.”

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with