^

Pang Movies

Jinkee ayaw magsuot ng gawang China?

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Unfair din para kay Jinkee Pacquiao ang mga patutsadang sa kabila ng kahirapan ng buhay ngayon ay libo-libo pa ang halaga ng suot niyang tsinelas sa bahay.

Wow, sariling pera po ni Jinkee ang pinambili niya ng gamit na ito. Pinaghirapan at hindi ito galing sa gobyerno o pera ng taumbayan.

Come to think of it, asawa ka ng senator na boxing champion pa, magsusuot ka ba ng tsinelas na gawang China? Naku, baka may COVID pa kung ito ang isusuot niya.  At ‘yung mga Hermes bag, walang kasalanan si Jinkee dahil can afford naman siyang bumili.

Why not po na itigil na ang mga patutsadang pamimintas dahil sariling pera ang ginastos niya at hindi galing sa namimintas o pangba-bash?

Fans ni Sharon nawiwindang na sa kanyang mga pinagsasabi

Nagtataka ang mga Sharonian kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng kanilang idolong si Megastar Sharon Cuneta.

Napakatapang na raw kasing masyado ng mga pahayag nito. Saan ba raw nanggagaling ang tila malalim na galit ni Mega?.

Matagal na naming kilala si Sharon at parang kahit ako ay hindi makapaniwalang masasabi niya ang mga ‘yun. Hay naku, hinay-hinay ate Shawie. Hayaan mo silang mainggit sa ‘yo.

Pagtulong ni Sen. Manny, walang coverage?!

Lihim ang pagiging matulungin ni world boxing champion and Senator Manny Pacquiao. Hindi siya tulad ng iba na may camera  at press people bago ibigay ang donations.

Lalo na sa mahihirap, marami na siyang nabigyan ngs pabahay lalo na noong bumaha sa GenSan.

Tahimik lang siya sa pagtulong sa kapwa at hindi siya maramot dahil hindi naman daw madadala sa langit o sa hukay ang perang sinasamba ng mga tao.

Greetings...

Birthday greetings sa mga July-born celebrants : Vicky Morales, Rachel Ann Wolf, Cardinal Luis Antonio Tagle, Ringo Starr of Beatles, John Arcilla, Debbie Castillo, and Reggee Bonoan. Best wishes  to Mr. and Mrs. Erick Valenzuela of Baliuag, Bulacan.                   

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with