^

Pang Movies

‘Meat vendors’ ng showbiz aktibong-aktibo sa panahon ng pandemic

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naku dahil sa pandemic na ito, active na naman pala ang mga ‘meat vendor’ ng showbiz.

Ito ngayon ang tawag sa mga bugaling (read : bugaw), ‘meat vendor’ hah hah. Pero hindi tulad ng dati na mabili sa mga matrona ang isang dating hunk actor, dahil ngayon medyo mukha na kasi siyang wasted at tumanda na kaya hindi na masyadong mabili sa market.

Actually pati sa mga lonely dirty women sa abroad, hinahanap ng booking si hunk actor na inggit na inggit sa isa ring actor na nakahanap ng stable na gay sponsor kaya ang sarap pa rin ng buhay hanggang ngayon.

Nadiscover din ng ‘meat vendor’ na iba na ang taste ngayon ng mga DOM o dirty old men. Ayaw na pala ng mga ito ng mga nymphets o young stars, dahil mas type na nila ang accomplished young ladies na the likes of Alice Dixson, Iza Calzado, Marian Rivera o Heart Evangelista na siyempre mahihirapan sila dahil hindi naman mga pahada.

Hinayang na hinayang nga ang mga ‘meat vendor’ dahil hindi sila ang nakapag-match sa isang TV executive at isang actor, at sa isang rich politician at young lady of substance na artista.

Nakalusot sa kanila ang mga team up na ito kaya malaki rin ang nawalang komi nila, hah hah. Sa hirap siguro ng buhay dahil sa pandemic, heto, aktibo na naman ang bugawan sa paligid, pang small time ang call a friend for grocery 0 supermarket shopping, or call big time na pang lock-in ang labanan.

Hello ‘meat vendors’ dial a friend agad pag may nakitang possible customer, hah hah hah. 

‘Tiis-tiis lang ng konti’

Isang bagay ang nadiscover ko Salve, kaya pala ang daming umuuwing OFW o Overseas Filipino workers dahil nga karamihan ay nagsara na ang kompanya nila at ang iba naman nag-alok din ng price cut sa mga suweldo na dati nilang tinatanggap.

‘Yung iba, nagsabi na halos kung ano ang kinikita nila dito sa atin, ganoon na rin ang magiging suweldo nila doon tapos malayo pa sila sa pamilya nila, kaya nagdesisyon na lamang silang umuwi.

Ang nagustuhan ko lang, most of them are enterprising kaya nagbukas ng mga small business, food, repair works, at kung anu-ano para may business mula sa kinita nila abroad.

We will survive this, we will stand tall, kaunting tiis lang pero prayers lang talaga, pakikinggan tayo tiyak ng langit at mahal tayo ni Mama Mary. Huwag mawalan ng pag-asa, tiis lang nang kaunti. 

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with