^

Pang Movies

KC wini-wish na makatagpo ng forever

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
KC wini-wish na makatagpo ng forever
KC

Sana nga natagpuan na ni KC Concepcion ang lalaking mamahalin forever, Salve. Itinutukso siya sa isang chef na naging guest niya sa kanyang vlog show na guwapito raw at kamukha nila Sam Milby at Piolo Pascual.

Sana nga iyon na ang hinihintay na magiging lucky partner ni KC na baka sa haba ng panahon, wow, dumating na ang partner na babagay sa lifestyle at taste ni KC.

Wait tayo, baka sakali, naiinip na ang lahat para sa magiging partner niya, heto na ba?

Mayor Vico puwedeng tularan ang lovelife ni P-Noy

Isa pang inip na inip ang tao na makakita ng partner ay si Mayor Vico Sotto. Talagang kahit sinong dalaga basta natabi sa binatang mayor, agad inili-link sa kanya.

Hindi ba puwedeng maging binata at harapin muna ang pangarap niya bago magkaroon ng girlfriend si Mayor Vico?

Puwede namang kahit maging presidente na siya ay binata pa rin tulad ni P’Noy ‘di ba?  Hanggang ngayon nga wala pa ring dyowa si dating presidente.

Puwede namang trabaho muna ang nasa isip ng batang mayor, hindi muna naghahanap ng partner at mag-focus muna sa Pasig.

Huwag madaliin, saka huwag sana mausog para makapiling mabuti ang most eligible mayor ngayon. 

Apela ng ABS-CBN stars, mas nakakaantig na ng damdamin

Maganda na ang mga panawagan at messages ngayon ng stars ng ABS-CBN. Hindi tulad noong una na combative o palaban, ngayon ang appeal nila ay tunay na nakakaantig ng damdamin, kaya sana pakinggan na ng congressmen and women ng House of Representatives.

Maganda na ang appeal nila, na kung may kasalanan o mali, bigyan ng pagkakataong magbago, iayos ang lahat.

Gusto ko rin ’yung kay Angel Aquino na pumupuri sa efforts ng management ng station na ituloy ang trabaho by taping shows kahit pa nga uncertain ang paligid.

‘Yung lakas ng loob ng station na ituloy ang trabaho para may ginagawa ang stars at staff nila, para makita ng lahat na buhay pa rin ang industriya.

Totoong kahanga-hanga ang effort na ito ng ABS-CBN, isang patunay na kahit pilay na, puwede pa ring umandar basta mayroon kang lakas ng loob. 

Sana nga, tulad ng sinasabi nila, nakita na ang mali na puwede namang baguhin, parusahan na lang pero huwag isara. Let’s pray together.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with