^

Pang Movies

KC at chef na kahawig nina Piolo at Sam, may chemistry

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
KC at chef na kahawig nina Piolo at Sam, may chemistry

Ang daming kinilig sa Instagram live video ni KC Concepcion na Kitchen Collabs dahil napakagwapo ng chef na guest niya na si Jordan Andino na may dugong Pilipino pero naka-base sa US.

Tinuruan ng nasabing chef si KC na gumawa ng In-N-out inspired burger and in fairness, may chemistry sila and they look good together. Kamukha siya ni Sam Milby at mala-hunk talaga ang dating.

Napansin din ng netizens ang kanilang chemistry.

At one point ng video ay sinabi ni Jordan, “people say I look like Sam Milby, I don’t know who that is.”

Napatawa nang malakas si KC at sinabing “no, they say, you’re a mix between Sam Milby and Piolo Pascual. That’s what people are saying.”

Dagdag pa ni KC, “if I were you, I would take that as compliment. These people are my friends.”

Well as we all know ay ex-boyfriend ni KC si Piolo kaya nakakatuwa na-mention niya ito.

Ang daming nagkomentong netizens na bagay talaga sina Jordan at KC and they were all rooting na sana sila na lang.

Well, sana lang single si Chef, ‘di ba naman?

Mang Ramon, may pa-siyam na

Noong Sabado ay ika-9 na araw (pa-siyam) ng pagkamatay ni Don Ramon Revilla Sr. kaya dinalaw ng pamilya ang kanyang puntod sa Angelus Enternal Garden sa Imus, Cavite. Matatandaang inilibing ang movie icon and former senator last Thursday, July 2.

Sa Facebook Live session ni Sen. Bong Revilla ay ipinakita niya ang mausoleo ng kanyang magulang kung saan ay magkasama na sa nitso si Don Ramon at asawa nitong si Doña Azucena Mortel-Bautista.

Ayon kay Sen. Bong ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang ama pero kailangan daw nilang mag-move on.

“At least, nasa piling na siya ng Panginoon ngayon, I’m sure, lalo na ‘yung mga pinagdaanan ni Daddy. Kung anuman ‘yung mga pagkakasala niya, hiningi na rin niya ng kapatawaran sa Panginoon. And he was given a chance na magawa ang mga bagay na ‘yun. Kaya kami pong pamilya ay naniniwala na siya ay nasa langit na,” saad ni Sen. Bong.

Dagdag pa niya, “we have to move on, mananatili na lamang sa atin ‘yung alaala ni Ramon Revilla.”

Pabiro ring binanggit ni Sen. Bong na ang nanay daw niya ang talagang nagwagi sa kanilang ama dahil magkasama na ngayon ang dalawa sa langit at hindi na maghihiwalay pa.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with