^

Pang Movies

Gabby, expert na sa pangingisda

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gabby, expert na sa pangingisda
Gabby

Nasanay na si Kapuso actor Gabby Concepcion sa pamumuhay sa kanyang Amang Lobo Homestead sa Lobo, Batangas.  Doon na siya inabutan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, since hindi pa sila nagsisimulang mag-taping ng bago nilang family drama na #First Yaya nina Marian Rivera, Cassy Legaspi, at Pancho Magno.

Ini-enjoy ni Gabby ang magluto ng iba’t ibang putaheng Batangenyo, mula sa mga isdang nahuhuli roon, na ipinu-post niya sa kanyang vlog. 

Hindi lamang iyon, sumasama siya sa mga mangingisda na naging kaibigan na niya.  May post pa siya na mas marami raw silang nahuhuling isda kung walang buwan, dahil mas lumalapit daw ang mga isda kapag ang nakikita nila ang mga ilaw mula sa mga bangka ng mga mangingisda.

Pero pumupunta ng Manila si Gabby kapag may promo siya ng Beautederm na isa siya sa mga endorser ng products ni Ms. Rhea Tan.  Kaya kahit naka-lockdown, hindi pa rin nawawalan ng income si Gabby, at nagagamit niya ito para patuloy siyang magbigay ng ayuda sa mga kababayan niya sa Lobo, Batangas, na personal niyang dini-distribute sa kanila.

Sa ngayon ay patuloy pa ring napapanood si Gabby dahil tuluy-tuloy ang replay ng top-rating afternoon prime drama nila noon nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon, ang Ika-6 na Utos na dinirek ni Laurice Guillen, after ng Eat… Bulaga.

Dingdong, nagkaroon ng respeto sa mga daga

Akala namin, dahil kung anu-anong hayop ang ipini-feature ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa infotainment show niyang Amazing Earth, wala na siyang takot sa mga hayop.  Pero hindi, inamin ni Dingdong na “sobrang matatakutin ako sa daga, as in talagang ‘pag may nakita akong daga o may malaman lang ako na mayroon sa tabi-tabi, magpi-freak out na ako.”

Pero kuwento ng bida ng Descendants of Sun, nabago raw ang takot niya nang maka-face-off niya ang isang malaking daga na umaaligid sa lanai area sa bahay nila. 

Iyon daw ang isa sa natutunan niya ngayong naka-quarantine, naging kaibigan na niya iyong daga dahil nakaya niyang harapin ito in three seconds nang hindi siya umuurong.

Biro pa ni Dingdong, may mutual respect na raw siya sa daga dahil hindi na niya inuurungan ito na tulad nang dati.

Patuloy na napapanood sina Dingdong at Rhian Ramos sa replay ng Pinoy adaptation ng K-Drama na Stairway to Heaven every afternoon pagkatapos ng Ika-6 na Utos.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with