^

Pang Movies

Cristalle mas pinili ang sariling pamilya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Cristalle mas pinili ang sariling pamilya

Siguro nga ang lungkot pag ang mga bata na nakikita mong unti-unting lumalaki, biglang mawawala at pupunta na sa ibang lugar.

Kasi nga, kahit mayroong Scarlet si Dra. Vicki Belo, sure ako na malapit din sa puso niya sina Hunter at Sienna, una niyang mga apo sa anak na si Cristalle Pitt.

Ang dating maraming boses na naririnig mo sa bahay, biglang nag-iisa na lang, kay Scarlet na lang.

Very close pa naman at parehong mahilig sa mga bata sina Dra. Vicki at Dr. Hayden Kho, kaya parang playground ang bahay nila pag nandoon na ang lahat ng bata, idagdag pa ang playmates ni Scarlet from school.

Sure ako kahit sila Cristalle ay magkakaroon din ng sepanx dahil sa closeness ng mga pamilya nila.

Para rin siguro sa family niya ang naisip ni Cristalle, kaya pinili niyang mag-migrate sa Australia.

Madali lang naman ang pagdalaw pag ginusto nila, just a plane ride away for sure. Basta na-homesick, go fly agad.

Kabutihan ng ugali, mas dapat nakikita kesa itinuturo

Sabi nga, hindi itinuturo ang pagiging mabuting tao, ginagawa iyon para sundan ng mga anak mo. Ang bill ni Cong. Roman Romulo tungkol sa Good Manners and Right Conduct na ibalik sa school ay talagang napapanahon ngayon.

Pero gaya nga ng sabi ko, dapat nakikita iyon sa mismong mga magulang at mismong mga tao sa paligid ng bata, hindi basta binabasa o itinuturo lang sa kanila.

Mas madali iyon if they see it in actions, mas madali nilang sundan, kaysa ituturo mo lang sa kanila.

Now ko nga naisip, ‘yung mga nababasa natin noong bata pa tayo, binabasa lang natin pero hindi naman natin iniintindi ang meaning, mine-memorize lang natin pero wala naman sa puso natin.

Pero now na matanda ka na, saka mo binibigyan ng halaga, nakikita mo na ang wisdom, kaya nga nanghihinayang ka na hindi mo nagawa noong bata ka pa.

The action is more vivid than words, kaya dapat ipakita natin sa mga bata ang mga dapat nilang gawin by doing it, para mas lalong tumatak sa utak nila.

Don’t teach them, show them the right things to do better.

vuukle comment

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with