^

Pang Movies

Rich, enjoy sa pagiging waitress sa Australia

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Umalis ng Pilipinas si Kapuso star Rich Asuncion, kasama ang anak na si Isabella Brie for Canberra, Australia, para dalawin ang asawang si Benj Mudie last March, 2020. Naroon na silang mag-ina nang magkaroon ng lockdown dahil sa COVID-19, kaya hindi na sila nakabalik sa Pilipinas.  Walang ginagawa, inisip ni Rich maghanap ng trabaho. 

 “Hindi na ako nag-inarte nang matanggap akong waitress sa isang restaurant doon,” kuwento ni Rich sa interview sa kanya sa 24 Oras last July 2.  “Inaamin kong medyo iba ang naramdaman ko the first time nagsuot ako ng uniform, pero ngayon nasanay na rin ako.  Unang-una, may kinalaman na rin dito ang tinapos kong Tourism course sa University of the Philippines.  May offer din sa aking magturo doon ngayon. Nakabili na rin kami ni Benj ng bahay doon, pinag-iisipan ko pa kung magtutuluy-tuloy na akong mag-migrate sa Australia, parang hindi ko pa maiwanan ang showbiz, hinahanap-hanap ko pa.”

Bago umalis ng Pilipinas si Rich, natapos na niya ang role niya sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun,  kaya no problem kung hindi man siya makababalik ng Pilipinas. 

Iniri-replay naman ang afternoon drama nilang Ika-6 Na Utos nina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon, Ryza Cenon at Mike Tan. 

Si Rich ay first runner up ni Ryza sa StarStruck in 2007, at first runner-up naman sa Binibining Pilipinas 2009. Ang husband niyang si Benj ay Filipino-Australian at player ng Philippine Volcanoes Rugby team.  One year old na ang baby girl nilang si Bela Brie.

Crash… plantsado na ang part 2

Siguradong excited na ang mga mahihilig manood ng K-drama, lalo na ang fans ng sikat na loveteam nina Hyun Bin at Son Yi-jin at ng kanilang first team-up sa Crash Landing On You na sabi’y nagustuhan ito ng fans na nanood noon ng very popular K-drama na Winter Sonata.

May follow-up ang first project nila at ang Crash Landing On You 2 ay handa nang mag-shoot sana ngayong July, pero hindi pa raw sila makapagsimula dahil hindi pa rin in total control ang COVID-19 pandemic sa South Korea.  Kung matutuloy daw silang mag-shoot ng love story nina Ri Jeong-hyeok (Hyun Bin) at Yoon Se-Ri (Son Yi-jin), malamang mapanood na ito bago matapos ang 2020.

vuukle comment

RICH ASUNCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with