^

Pang Movies

Mang Ramon nakiusap na mamahinga na siya

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Mang Ramon nakiusap na mamahinga na siya

Mismong si Senator Ramon Revilla Sr. pala ang nakiusap sa kanyang mga anak na payagan na siyang ‘mamahinga’ na at 94.

All of his seven children with his late wife, Azucena “Cena” Mortel, were reportedly present, when Senator Ramon ay nalagutan ng huling hininga. At ito’y of course ay sina Marlon, Rowena, Strike, Princess, Dianne, Andeng (Ynares, Antipolo City Mayor) and Senator Bong Revilla. Plus their respective families of course.

Sa Thursday, July 2, ang last day ng lamay. Ito’y nalaman namin from Marlon’s wife, former actress Gigi dela Riva.

Sa mansion ng mga Revilla sa Imus, Cavite, kasalukuyang nakaburol si former Senator Ramon.

Sa isang interview with Senator Bong, nabanggit niya na among his siblings, siya ang pinakapilyo. Kaya siya lang daw ang ‘nakatikim’ ng ‘palo’ ng yantok Mindoro, na panakot ng kanilang ama sa kanilang magkakapatid, if they did wrong.

Pero minsan lang. Hindi na raw niya inulit kung anumang kasalanang kanyang nagawa.

Awa ng Diyos, susog ni Senator Bong, dahil sa pagiging too strict for comfort ng kanilang ama, lumaki silang magkakapatid na matitino.

As it is, ipinagmamalaki ng kanyang ama na lahat ng kanyang anak ay accomplished.

Wherever you are now, Senator Ramon, please rest in peace.

Jaya maraming nasayang na kita

Marami raw pala sanang performances ang soul singer na si Jaya, yes, abroad, kung hindi na-postponed, dala nga ng existing pandemic, the CO­VID-19, na apektado ang buong mundo.

Bagama’t apektado, since nga walang masyadong income, like the rest of her fellow singers, she and her family ay maayos naman.

Jaya is married to Gary Goditoc, with whom she has a daughter, Sabriya.

Mga show ni Vic, nakakaraos sa online

Online pala kinukunan ang mga eksenang ipinalalabas sa weekly episode ng sitcom na Daddy’s Gurl, starring no less kina Vic Sotto, Maine Mendoza, plus Benjie Paras, Wally Bayola and of course, Oyo Boy Sotto.

Via online broadcast din kinukunan ang appearance ni Vic sa top noontime show niyang Eat Bulaga.

vuukle comment

RAMON REVILLA SR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with