‘Love of fate’ Gerald may ka-holding hands sa kakahuyan
May nagaganap na pahulaan sa IG account ni Gerald Anderson.
Ito ay matapos siyang mag-post ng isang photo na may ka-holding hands sa kakahuyan.
“Treating each and every moment, no matter how challenging - as something to be embraced, not avoided.. To not only be ok with it ,but love it and be better for it.. So that like oxygen to a fire, obstacles and adversity become fuel for your potential.. Amor fati,” ang buong caption niya.
Ang Amor fati ay love of fate : the welcoming of all life’s experiences as good ayon sa Meriam-Webster digital dictionary.
At ang pinagpipilian nila :
A. Mother ni Gerald
B. Julia
C. Bea
D. Promo ng A Soldier’s Heart
E. New love
Well, ang sagot, baka nga letter D dahil nagbabalik na sa Kapamilya Channel ang kanyang action series sa ABS-CBN na parang pinagti-tripan na lang ng ibang congressman sa pagkuha ng renewal of franchise lalo na sa ginanap na hearing kahapon. Anyway, malabo naman sina Julia at Bea. O baka nga naman new love.
- Latest