^

Pang Movies

Ellen idinisplay ang bonding nila ng anak for 2 years, John Lloyd ‘di kasali

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Dinagsa ng birthday greetings ang anak nina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna na si Elias na nag-celebrate ng kanyang second birthday.

Pero walang upload na photos and videos si Ellen na kasama ang amang dating actor ng bagets.

Silang dalawa lang ng anak na lalaki ang magkasama sa maraming photos / videos na not so throwback ang peg dahil meron din siyang videos na nasa walker pa lang si Elias.

Sinagot dati ni Ellen ang tanong ng isang netizen kung bakit hindi niya nilalantad ang anak. Ayon dito, ayaw niyang pag-tsisimisan ang bata.

Amaya at TGIS, ibabalik sa Heart of Asia

Ngayong araw magaganap ang launching ng new digital TV channel, Heart of Asia, ng GMA 7, na exclusive sa kanilang Affordabox.

Mapapanood sa bagong channel ang mga biggest and freshest K-drama titles at iba pang Asianovela series na tiyak makaka-relate na naman ang maraming Pinoy fans.

 Kasama sa ipalalabas dito ang award-winning Korean series na Sky Castle kung saan bibida ang boses ng Kapuso actresses na sina Lotlot de Leon, Angelu de Leon, Chynna Ortaleza, Angelika dela Cruz, and Sunshine Dizon.

Mapapanood din dito ang Love in Trouble starring Ji Chang-wook.

Ganundin ang Starry Night, Starry Sea at You’re My Destiny, the first ever Lakorn or Thai series on Philippine TV.

Aside from Filipino-dubbed Asianovelas, ipapalabas din sa Heart of Asia ang all-time favorite Kapuso content kasama na ang The Best of GMA hanggang sa various Pinoy and foreign movies.

Mangunguna rito ang Amaya, topbilled by Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Ganundin ang 2011 remake ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, ang Legacy nina Heart Evangelista and Lovi Poe with Alessandra de Rossi. 

Last but not the least, ang T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado) the youth-oriented drama series which catapulted the careers of many celebrities such as Angelu de Leon, Bobby Andrews, Sunshine Dizon, and Dingdong Dantes among others.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with