^

Pang Movies

Matteo nabiktima ng pang-aasar ng mister ni Solenn

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami na namang netizen ang natuwa sa mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico dahil sa bagong pinost nitong video sa Instagram na pang-aasar niya sa kaibigang si Matteo Guidicelli.

Sa naturang video ay ipinakita ni Nico ang tamang pagbukas ng isang regalo na nasa loob ng kahon at ang paraan ng mister ni Sarah Geronimo kung paano mag-unbox ng isang regalo.

“Nothing to see here, just a short clip of Normal People Unboxing Gifts vs. @matteog (Guidicelli) Unboxing Gifts. No hard feelings Mat! #Bolzicelli,” caption pa ni Nico.

Sa video ay ipinakita ni Nico na ang normal  na pagbubukas ng kahon ay kailangan ng doble ingat dahil alam niyang fragile ang items na nasa loob.

Maingat pa niyang ipinatong isa-isa sa lamesa ang mga ito.

Tapos ay ipinakita niya ang paraan ni Matteo. In an exaggerrated way, ginaya ni Nico kung paano alug-alugin ni Matteo ang kahon ng ilang beses at parang walang pakialam kung mababasag ba o masisira ang laman ng kahon.

Pagbukas ni Nico ng kahon, basag-basag na ang laman nito.

Alam naman ng maraming netizens na paraan ni Nico ang magpatawa, lalo na’t nag-viral ang unboxing ni Matteo ng kanyang PS4.

Matagal nang magkaibigan sina Nico at Matteo kaya normal na raw sa kanila ang ganitong klaseng pang-aasar sa social media.

Dina at DV, nagkaroon ng time na maging busy sa isa’t isa

Naging mas maganda raw ang pagsasama nila Dina Bonnevie at mister na si Ilocos Sur Representative DV Savellano dahil sa nangyaring tatlong buwan na quarantine. Mas marami raw silang nagawang magkasama sila at hindi tulad noon na parati silang busy at paminsan-minsan lang sila nagkakasama sa bahay. “Paggising sa umaga, immersion kami ng asawa ko sa Bible. Parang we made it to a point to study the Bible. Hindi lang ‘yung reading, talagang inaaral namin.

“After that, bababa na ‘ko, luto na ako ng lunch. Pagkatapos ng lunch, tulong sa hugas-hugas ng pinggan and then akyat na, compu-computer,” sey ni Dina.

Dahil parati raw nasa kusina si Dina, marami itong natutunang iluto na bagong putahe. “’Yung mga niluluto ko, pinapadala ko sa Valle Verde, pinapadalhan ko si Danica (Sotto). Si Danica naman, padadalhan niya ‘ko ng mga bine-bake niyang bread.”

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with