^

Pang Movies

Dahil sa stress? Ryza nakaranas ng grabeng paglalagas ng buhok

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Short hair ngayon si Ryza Cenon na ikinagulat ng maraming netizens.

Ginupit ng aktres ang kanyang mahabang buhok dahil nakaranas daw ito ng severe hair fall. Kaya wala siyang choice kundi paigsihan ang kanyang buhok para muli itong kumapal. “Short hair, don’t care. #hairproblem #severehairfall Thank you @lancelot_rage for saving my hair,” post ni Ryza sa kanyang Facebook.

Maraming netizens ang nagandahan sa new hairstyle ni Ryza dahil bumagay daw ito sa maganda at maliit niyang mukha. ‘Yung iba naman, napagkamalang isang Korean male actor si Ryza dahil sa bagong hair style.

Biro pa ni Ryza na hindi na raw niya kailangan gumamit ng FaceApp para makita kung ano ang hitsura niya kapag naging lalake siya.

Ayon sa Cosmopolitan website, may pitong dahilan kung bakit nakakaranas ang babae ng severe hair fall. Ito ay may kinalaman sa hormonal imbalance, stress, iron deficiency, hypothyroi­dism and hyperthyroidism, vitamin B12 deficiency, dramatic weight loss, and age.

May ilang nagsabi na baka may kinalaman ang stress sa paglagas ng buhok ni Ryza dahil tatlong buwan ngang wala itong trabaho dahil sa lockdown at nakadagdag pa ang pagsara ng ABS-CBN kung saan nakakontrata siya.

vuukle comment

RYZA CENON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with