^

Pang Movies

Anak ni Super Tekla delikado ang lagay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ramdam mo ang sakit ng loob ng isang ama kay Super Tekla (Romeo Librada) nang makausap siya sa 24 Oras, na dumaranas ngayon ng hirap kung paano matutulungan ang bagong silang nilang baby boy, si Angelo. Walang butas ang rectum (puwet) ng baby kaya kailangan siyang maoperahan.

“Hindi po problema ang operasyon ni Baby Angelo kung may trabaho ako,” sabi ni Super Tekla.  “Kahit po ako mahirapang magtrabaho, gagawin ko.  Pero duma­ting ito sa panahong wala tayong trabaho lahat, kaya wala akong malalapitan dahil alam kong lahat tayo ay nangangailangan dahil tatlong buwan na tayong walang trabaho. Kaya kay Lord na po lamang ako umaasa, kung ano po ang ipagkakaloob Niya sa akin at sa anak naming si Angelo.”

Klea mas na-appreciate na ang buhay

Excited nang makabalik sa taping ng Magkaagaw si Kapuso actress Klea Pineda, na nagpahinga muna dahil sa COVID-19 pandemic na nasa highlight na ang story ng love triangle nila nina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales. 

Ngayong lahat tayo ay nasa gitna ng pandemic, ano ang realizations nito sa kanya? “Marami po,” sagot ni Klea. “Una po rito na-appreciate ko kahit maliliit na bagay lamang at mag-spend ng maraming oras kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ipinagpapasalamat ko po na may sapat naman kaming pagkain para sa araw-araw at mabuti ang kalagayan ng pamilya ko.

“Kung magbalik-taping na po kami, susundin ko ang mga precautionary measures tulad ng social distancing, magsusuot ng mask kahit saan ako naroon at hindi rin kalilimutan ang magdala ng alcohol.  Ito po talaga ang kailangan nating gawin para hindi tayo magkahawahan. Dasal ko rin po na huwag maging pasaway ang mga kababayan natin na ayaw sumunod sa mga guidelines. Nagpapasalamat po ako sa mga medical workers at frontliners na hindi ipinagkait ang paglilingkod nila para magligtas ng buhay.”

Ruru nasa Daddy’s Gurl

Masaya ang fans ng sitcom nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza na Daddy’s Gurl, dahil kahit online lamang ang taping nila ay ginagawa para makapagpalabas sila ng fresh episodes. 

Ngayong gabi, sa new normal online taping, special guest nila si Ruru Madrid.

vuukle comment

SUPER TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with