^

Pang Movies

Dingdong, sa GMA yumaman

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

On his birthday sa August 2, Kapuso Primetime King Dingdong Dantes will turn 40 kaya tama ang sabi niyang kalahati ng buhay niya ay isa na siyang Kapuso.  Teenager pa lamang siya nang pumasok sa GMA Network, kaya sa more than 20 years niya sa network, thankful siya at para na niyang pamilya ang mga taong nakasama niya rito.

“For me a Kapuso, it means na you’re part of a family, you’re part of the home.  Lahat nang ito, na-realize ko habang naka-quarantine tayo.  Nakapag-reflect ako na halos higit kalahati ng buong buhay ko ay Kapuso ako,” sabi ni Dingdong. “Sa pagiging isang Kapuso, lahat ng nakikita ko, kaliwa’t kanan sa bahay, ay mula sa pagiging Kapuso. Hindi lamang iyon, pati ang asawa ko, si Marian, sa Kapuso Network ko nakilala at ngayon may dalawa na kaming anak. Buong pagkatao ko ang pagiging Kapuso.”

Meanwhile, maraming excited na netizens sa napanood nilang 15-second video nina Michael V., Heart Evangelista at Dingdong na may ipakikilala raw sila.  May kinalaman kaya ito sa pagsi-celebrate nila ng 70th anniversary ng network? Ang launch ay bukas na, Friday, June 26, sa Wowowin, 5:00 p.m. sa GMA-7.

Ruru balik-taping na

Back to work na ang ilang Kapuso stars tulad ni Alden Richards, may Twitter post na siyang “Work mode” na nasa set siya, pero mag-isa lamang siya at may kausap siya, either director na may hawak na script pero naka-face mask ito at malayo siyang kausap si Alden, kaya hindi namin makilala. 

Kaya ba wala si Alden sa Eat… Bulaga kahapon?  Nada-gdag sa hosts sa EB, sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Maine Mendoza, sina Ryan Agoncillo at Pia Guanio.

Si Ruru Madrid, sa All-Out Sundays last Sunday, sinabi niyang magti-taping na rin daw siya ng bagong episode ng Maynila na napapanood tuwing Sabado.  Excited na raw siya muling magtrabaho, sa pagkakaalam niya, ang kasama niya ay ang kanilang director na siya na rin daw audioman, assistant director at ilang members ng production. Very soon ay malalaman na rin natin kung alin sa mga nahintong taping ng mga teleserye at shows ng GMA Network ang magbabalik-taping na.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with