^

Pang Movies

Marian namigay ng recipe

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Panalung-panalo sa netizens ang Father’s Day video tribute ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa asawang si Dingdong Dantes sa Instagram. Ibinahagi ni Yan ang paraan niya ng pagluluto ng menudo na paborito ni Dong. Tinawag niya itong Menudo at may caption na, “Sa araw ng mga tatay alay ko ang paborito mo. Happy Father’s Day Mahal ko!”

Para kay Yan at mga anak na sina Zia at Ziggy, “Maaaring hindi para sa iba. Pero sa amin nina Sixto at Zia, ‘di ka lang perfect, the best tatay ka pa!”

Dinagsa ng positibong feedbacks ang mensahe ni Marian para sa asawa.

Basaan sa San Juan new normal na rin!

Malaking pagbabago ang magaganap sa pista sa San Juan City ngayong araw, Hunyo 24. Pinagbawal na ni Mayor Francis Zamora ang tradisyunal na basaan sa mga kalye. Ipaparada na lang ang patron nilang si St. John The Baptist at holy water ang gagamitin sa bendisyon sa pag-ikot ng kanilang Patron.

Iwas COVID ang rason ng pagdaos ng fiesta sa new normal style. Kasabay ng pista ng San Juan ang pista sa Balayan, Batangas kung saan atraksyon ang Pparada ng lechon baboy na may kasama ring basaan. Wala pa kaming report na narinig kung may pagbabago sa tradisyon.

Ngayong araw rin ang selebrasyon ng Araw ng Maynila.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with