^

Pang Movies

Rita hindi nakaka-move on sa pagkamatay ng ama

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rita hindi nakaka-move on sa pagkamatay ng ama
Rita

Kapwa hindi pa rin daw masyadong nakaka-move on sa pagpanaw ng kanilang mga ama sina Rita Daniela at Will Ashley.

Noong nakaraang Father’s Day, mas lalo raw naging emotional sina Rita at Will dahil mga litrato na lang daw ng kanilang mga yumaong ama ang kanilang nakikita at wala na ang physical pre­sence nila.

Taong 2016 noong pumanaw ang ama ni Rita na lagi raw nakasuporta sa kanya. Kinuwento pa ni Rita na sa loob daw ng wallet ng kanyang ama ay ang isang picture ng diyaryo kung saan unang lumabas si Rita. Parati raw siyang pinagmamalaki ng kanyang ama sa mga kaibigan nito.

Noong ma-ICU nga raw ang kanyang ama, hindi raw nawala si Rita sa tabi nito.

“Habang nasa ICU si Papa, kinakantahan ko siya. Napansin lang namin na kapag kinakantahan ko siya, mas tumataas yung heart rate niya,” pag-alala ni Rita.

Ang Prima Donnas star na naman na si Will Ashley ay nawalan ng ama noong 6-years old pa lang siya. Ang laging naaalala raw ni Will sa kanyang ama ay yung parati siyang kinakarga at naglalaro sila.

Kaya habang lumalaki raw si Will, nami-miss niya ang mga yakap at halik sa kanya ng sariling ama.

Nalulungkot lang daw sina Rita at Will dahil hindi na naabutan ng kanilang ama ang paglaki ng pangalan nila sa showbiz. Si Rita ay certified leading lady na at naka-graduate na sa pagiging kontrabida sa mga teleserye. Si Will naman ay bini-build up bilang future leading man ng GMA-7.

The Fault... actor itinanggi ang panggagahasa

Pinabulaanan ng Hollywood actor na si Ansel Elgort ang rape claim ng isang babae named Gabby noong 17-year old siya.

Inakusahan ng rape ang aktor noong nakaraang June sa pamamagitan ng isang tweet mula sa user na nagngangalang @Itsgabby.

Nakalagay sa tweet ang scenario kung paano in-assault sexually ni Ansel si Gabby.

“I’m not posting this to ‘clout chase’ because I simply don’t care for that. I’m posting this so I can finally heal and I know I’m not alone and he’s done this to other girls. So when it happened instead of asking me if I wanted to stop having sex knowing it was my first time and I was sobbing in pain and I didn’t want to do it the only words that came out of his mouth were ‘we need to break you in. I WASN’T there in that moment mentally. I disassociated myself and just felt like my mind was gone I was in shock.”

Mabilis na pinabulaanan ni Elgort ang akusas­yon sa kanya at pinost niya ito sa kanyang Instagram account.

Sumikat si Ansel Elgort dahil sa pagbida nito sa teen romance drama na The Fault In Our Stars noong 2014.

vuukle comment

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with