^

Pang Movies

Frankie pagod na sa mga pangyayari!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Frankie pagod na sa mga pangyayari!
Frankie

Pumasok na ang NBI Cyber Libel sa kasong isinumbong na ni Megastar Sharon Cuneta laban kay Sonny Alcos na nagbanta ng rape kay Frankie Pangilinan.

Ayon sa NBI, kahit daw nasa abroad si Alcos, pwede siyang kasuhan. Sa ngayon ay kinu-collect na nila ang pagkakakilanlan kay Alcos, kahit pa deactivated na ang kanyang Facebook account, matapos siyang mag-sorry, na wala namang sincerity.

Umamin naman si Frankie na pagod na siya sa mga sunud-sunod na nangyayari, pero hindi raw iyon nangangahulugan na umaatras na siya sa laban, tulad din ng inang si Sharon na gagawin ang lahat para sa anak.  

Nakiusap din si Frankie sa mga netizens na sumusuporta sa kanya na huwag siya lamang ang suportahan kundi ang lahat ng mga nagiging biktima ng ganitong kaso.

Marian at Uge, matibay ang friendship

Iba rin ang nabuong friendship nina Marian Rivera at Eugene Domingo.

Si Uge, kapag gusto niyang i-guest si Marian sa kanyang shows, hindi humihindi ang Kapuso Primetime Queen, kaya nagulat siya nang mag-order siya ng latest collection ni Marian na Floravida dried blooms ay may kasama itong special gift para sa kanya. 

Ang gusto pala talagang orderin ni Uge ay ang Gypsophilla, pero nagba-budget daw siya kaya ang inorder lamang niya ay bundle of pepper berry, na gusto rin niya. 

Pero ang girl na nakatanggap ng order niya ay nag-message sa kanya na “Ms. Marian is prepping your order and she is sending you a gift as well, the Gypsophillla ang another bundle of pepper berry.” 

Kaya walang naisagot si Uge kundi @marianrivera you are the most gracious and the sweetest. God bless you more, my dear.” Sinagot naman ito ni @marianrivera ng “Whahaha salamat mate @supportiveATE.”

Ang dami namang nakakagusto sa latest collection ni Marian, kaya nagpasalamat siya sa kanyang Ig: “Thank you for all your responses and overwhelming support! We are pleased that you love our latest collection as much as we do. We are now accepting orders for @floravidabymarian dried blooms. Visit www.floravidabymarian.com

vuukle comment

FRANKIE PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with