^

Pang Movies

Mayor Vico at Bea, bagong loveteam!

Gorgy Rula - Pang-masa
Mayor Vico at Bea, bagong loveteam!
Mayor Vico at Bea

MANILA, Philippines — Hindi naiwasang kiligin ang mga taga-Pasig nang magkita sina Mayor Vico Sotto at Bea Alonzo sa isang event doon kung saan kasama ang Kapamilya actress na nag-turn over ng bags at disinfectants para sa frontliners ng Pasig City.

Bahagi ito ng mga activities ng I AM HOPE organization na kinabibilangan ni Bea.

Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Pasig kay Bea at kinilig ang mga Pasigueño nang biniro ni Bea na idol daw ng mama niya ang rockstar mayor ng Pasig.

Single si Mayor Vico, single din naman si Bea at hindi naiwasang tuksuhin sila sa social media, dahil nakikita namang kinilig ang nagtilian ang mga tagaroon nang magkita sila.

Kaya isa sa tinanong ng ilang netizens, ano ang magandang tawag sa kanilang tandem? May kilig kaya sa ViBe tandem, BeCo o ViA?

Ang sabi pa ng isang follower nila, “Imagine all the good that you can do together.”

Naalala ko pa sa ilang interviews namin kay Bossing Vic Sotto, tingin daw niya wala pang panahon ang anak niyang makipag-lovelife.

Sobrang nakatutok daw kasi ito sa Pasig lalo na’t nasa pandemya pa rin tayo.

Sa sobrang busy niya, saan nga ba naman niya isisingit ang makipag-date?

Pero gusto na rin siyempre ni Bossing Vic na meron na ring girlfriend si Mayor Vico para lalong ma-inspire ito sa kanyang ginagawa.

Si Bossing Vic ang isa sa unang bumati sa kaarawan ni Mayor Vico.

Ramon Revilla Sr. ‘di pa nakakalabas ng hospital

Parang rollercoaster of emotions ang nararamdaman ni Sen. Bong Revillla at mga kapatid nito dahil sa kalagayan ng kanilang amang si dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Nasa hospital pa rin ang daddy nila, at nu’ng mga nakaraang araw ay masaya at pawang pasasalamat ang ipinu-post ni Sen. Bong dahil nagi-improve ang kalagayan ng kanyang ama.

Pero recently lang ay muli siyang humingi ng dagdag pang dasal para sa daddy nila.

Ngayon ay patuloy pa rin silang nagdarasal na malagpasan ng kanilang ama ang kinakaharap nitong health crisis.

Tuwing Linggo ay nagsasama-sama silang magkakapatid kasama ang mga anak para maka-bonding ang daddy nila.

Pero kahapon ay sa hospital na sila nag-celebrate ng Father’s Day dahil naka-confine pa rin doon si Mang Ramon. Medyo maingat lang sila dahil hindi puwedeng masyadong marami sa loob ng kuwarto at lahat sila naka-PPE.

Pero ramdam naman daw nilang masaya ang daddy nila na nag-celebrate ng Father’s Day kasama ang kanyang mga anak at mga apo.

Touching din ang mensaheng ipinarating ni Sen. Bong sa kanyang daddy na ipinost sa kanyang Facebook account. Pinasalamatan niya ito sa lahat na pagmamahal at paggabay sa kanya mula nu’ng kabataan niya hanggang sa kasalukuyan.

Bahagi ng mahabang mensahe ni Sen. Bong para sa daddy niyang iniidolo noon pa :

“Hangad ko na mabiyayaan  ka ng kalusugan, kalakasan at kaligayahan upang mas marami pa tayong Father’s Day na maipagdiwang, pati ang ating bonding kasama ang iyong mga apo tuwing Linggo ng hapon.”

Happy father’s day sa lahat na mga ama, at kahit mga nanay na tumatayo na ring ama sa kanilang mga anak.

vuukle comment

BEA ALONZO

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with