^

Pang Movies

Gerald madalas pag-awayan ng magaganda

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gerald madalas pag-awayan ng magaganda
Gerald

Bongga si Gerald Anderson ha. Nag-isip ako nang mabasa ko na gusto daw ni Pia Wurtzbach na magkaroon uli sila ng communication ni Bea Alonzo. Then naisip ko, oo nga pala nagkaroon ng gap noon nang ma-link sina Gerald at Pia habang nasa shooting ng movie nila.

Nagkaroon din ng gap sina Julia Barretto at Bea dahil kay Gerald. Then noon naman sina Maja Salvador at Kim Chiu.

O ‘di ba bongga ni Gerald, siya ang common denominator sa lahat ng gap na nangyari, kalokah ang Papa Gerald ko, oozing talaga ang sex appeal at charms, hah hah. Macho talaga.

Kaya dapat pag wala na, wala na, huwag maging bitter. Basta putol na huwag na muling ibalik pa, iyan ang lesson sa love ‘di bah Salve! 

Putok ang galit...

Kahit pa nga iniisip mo na sana sa ganitong panahon ay wala muna ang pag-aaway at init ng ulo, siyempre naman intindihin mo ‘yung feeling ni Sharon Cuneta bilang isang ina, Salve.

Kung ako rin naman na may magsabi ng rape sa anak kong babae, lagot din sa akin iyong lalaki na nagsabi nito.

Putok talaga sa galit si Sharon, at talagang ‘yung mother’s wrath ay hindi niya napigilan.

Iyan na nga kasi ang dahilan kaya dapat mag-ingat ang sino man, kahit pa nga hindi kayo pareho ng takbo ng isip, irespeto natin ang panig ng bawat isa. Kung ano ang stand ni Frankie, let it be, kung ano ang stand mo go, pero hindi kanilangang magmura at magbanta.

Meron nang COVID, gusto n’yo pa ng away, naku, huwag naman.

Pilipinas kailangan lang linisin

I always say na emotional voter ako. Kaya siguro kung palpak ang leaders na pinili ko, wala akong masabi. Kasi nga ang plataporma ng bawat kandidato, madali namang sabihin at ipangako, pero hindi mo naman alam kung matutupad.

‘Yung nasa puso ko na gusto ko kung sakali at mali pala, at least puwede kong sumbatan at kausapin.

Sabi nga ni Lea Salonga, mahirap mahalin ang Pilipinas dahil sa leaders na dahilan ng frustration niya, ‘di ba dapat mas mahalin natin ito dahil kung basta na lang tayo susuko, hindi mababago ang Pilipinas.

Ngayon nga na uso ang social media, madali nang ituro ang mga palpak, iyan ang kagandahan ng demokrasya sa bansa natin. Tingnan mo kung gaano nila punahin ang leaders na para sa kanila ay mali ang ginagawa.

Kung minsan nga lang ay sumosobra na ang iyong iba, overacting sa reklamo sa gobyerno pero wala namang ginagawa para tumulong dito.

Basta I love the Philippines, everything in it. Para itong bahay na linisin mo lang at ayusin, gaganda na muli. Puwedeng marumi ngayon, clean-up drive lang, malilinis din. We can start now, but we must not give up.

Forever Pinoy, be proud. 

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with