^

Pang Movies

Maine and Arjo nag-date sa mall

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maine and Arjo nag-date sa mall
Maine and Arjo

Nang magluwag nang kaunti ang quarantine, nakitang magkasama sa isang mall ang mag-syotang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Mayroon pang isang fan nila na nakipag-selfie sa kanila. Pero may kakilala kaming nakakita sa kanila na nagsabing, “hindi naman sila pinagkaguluhan. Tiningnan lang sila ng mga tao pero bale wala lang.”

Kung sabagay, hindi naman talaga naging pansinin sina Arjo at Maine kahit na noong araw pa. Nagsisimula pa lang noon ang tsismis tungkol sa kanila, kung ilang beses namin silang nakitang kasama ng mga kaibigan nilang namasyal sa isang theme park, at hindi rin naman talaga sila hinabol ng mga tao. Noong pumasok sila, inalerto ang security ng theme park, kasi nga baka pagkaguluhan sila. Nangyayari iyon sa ibang mga artistang bumibisita sa park, at noong panahong iyon trending pa ang AlDub, pero mukha ngang hindi na rin sila pansinin.

Ang tingin namin noon, baka naging negative pa nga ang dating nila dahil masyadong malakas ang following ng AlDub, at hindi nila gusto na naging syota ni Maine si Arjo.

Hindi rin natin maikakaila na bumaba ang popularidad ni Maine. Hindi na siya kagaya noong araw na buo pa ang AlDub, na makita lang siya ng tao hindi mo na mapigilan ang tilian. Nakita namin iyan sa isang mall noon. At naalala namin kung papaano kami na-traffic sa NLEX dahil sa kanilang “tamang panahon concert” na ginanap noon sa Philippine Arena.

Tapos isipin ninyo, ngayon nakakalabas-labas na si Maine sa mga mall nang hindi man lang napapansin.

Siguro kasi hindi naman sila magka-love team ni Arjo kahit na nga sabihing mag-syota sila. Siguro dahil na rin iyon sa katotohanang hindi naman matinee idol ang dating ni Arjo, kaya ganoon din.

Sarah, matagal pa uli bago makapag-concert

“Sinabi ko na sa iyo, basta kinalaban mo ang nanay mo mamalasin ka,” giit ng isa naming kakilala, at ang sinasabi niyang magandang example ay si Sarah Geronimo. Kung iisipin mo nga naman, itinuturing na isang superstar si Sarah, at noong panahong iyon biglang putok ang isang luma niyang kanta. Iisipin mo bang pagkatapos lamang na iitsapwera niya ang nanay niya sa kasal niya kay Matteo Guidicelli, parang biglang baba ng kanyang career? Nagkaroon ng gulo at natanggal ang kanyang driver. Tinanggal din ang dati niyang road manager, dahil sa kakampi raw ni Mommy Divine.

Iisipin ba ninyong ilang araw lang ang nakaraan biglang nagkaroon ng pandemic. Nagdeklara ang gobyerno ng Enhanced Community Quarantine. Isinara ang concert venues na hanggang ngayon hindi mo malaman kung kailan makapagbubukas. Ipinagbawal ang mass gatherings para huwag magkahawahan. Eh paano na si Sarah kung wala siyang mga concert? ‘Di wala rin.

Singing starlet, hindi pinapatulan ng legit ang pakikisawsaw

Ayaw naming patulan ang mga pagpapa-ingay ng isang singing starlet na nakikisawsaw sa lahat ng issues para lang mapansin siya. Kumanta na siya, nagpa-sexy, hindi pa rin siya napansin. Kaya ngayon lahat pinakikialaman niya, at panay ang tungayaw niya sa social media, hoping na mapansin siya at makilala naman on her own.

Pero walang gustong pumatol sa kanya sa lehitimong media, kasi alam na alam na ang ginagawa niya ay pakikisawsaw lang para mapag-usapan. Sino naman ang papatol sa kanya kung ganoon? In the first place, hindi naman siya sisikat talaga dahil hindi naman siya maganda.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with