^

Pang Movies

Juliana pinayagan na ni Goma na mag-syota!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Juliana pinayagan na ni Goma na mag-syota!
Juliana

Mabuti naman at tanggap na ni Mayor Richard Gomez na isang araw ay hindi maiiwasang may manligaw na sa kanyang magandang anak. Si Juliana, na college na rin ngayon at 19 years old ay nag-aaral ng public administration sa UP, bukod nga sa kanyang pagiging varsity volleyball player.

Ang ganyang klaseng bata, at ganyan kaganda, tiyak na maraming magtatangkang ligawan iyan dahil kung sabihin nga, ang tipo ni Juliana ang matatawag mong “trophy girlfriend,” kagaya rin naman ng naging feeling ni Mayor Goma nang maging syota niya ang   misis na si Congresswoman Lucy Torres Gomez.

Medyo nag-iba na nga ang attitude ngayon ni mayor, kaysa noong araw na basta tinanong mo siya kung papaano kung may manligaw na sa anak niya, ang isasagot niya ay “sasakit ang ulo ko at iiyak ako.”

Pero pinapangaralan daw naman niya si Juliana, hindi basta-basta  magliligawan, magiging mag-syota at magpapakasal. Kailangan bago maging seryoso sa isang relasyon ay siguruhin muna ang sarili. Kailangang siguruhin muna na ang magiging desisyon niya ay hindi niya pagsisisihan pagdating ng araw. Ibig niyang sabihin, siguruhin muna ang damdamin na talagang mahal mo nga ang magiging syota mo at hindi na magbabago pa ang isip mo.

Iyon din naman daw ang sinasabi niya sa lahat ng mga kakilala niya, sa mga kaibigan, at sa mga naikasal na niya. Kailangang sigurado na muna sila sa kanilang sarili bago ang lahat.

Kung sabagay, magandang example nga naman ang nangyari sa kanilang dalawa ni Cong. Lucy. Noong bago ang kanilang kasal, maraming mga kritikong nagsasabing baka hindi tumagal ang kanilang relasyon, dahil sinasabi nga nila “playboy iyang si Goma.” Kaya ang paniwala nila, “hindi ‘yan mako-control ni Lucy.” Pero dahil sigurado na nga sila sa kanilang sarili bago ang lahat, nakita naman ninyo kung gaano katibay ang kanilang relasyon hanggang ngayon.

Sisingiling buwis sa online sellers, pandagdag bayad sa utang ng bansa

Siguro nga dahil sa kailangan ng pananalapi ng gobyerno sa ngayon, at dahil sa laki na rin ng utang ng Pilipinas, natural lamang na isipin nilang patawan ng tax kahit na ano mang mapagkukunan. Kailangan ang dagdag na pananalapi, kailangan din ang pambayad sa malaking utang. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit balak nilang lagyan ng tax maski na ang online selling.

Pero ang sasampalin lang naman ng tax ay iyong malalaki. Iyong mga small time o masasabi natin maliliit na online selling, libre naman sila. Pero marami ngang nag-react diyan, kabilang na si AiAi delas Alas, dahil pumapatok sa online ang kanyang ube pandesal.

Tingnan natin kung ano ang mangyari sa pag-angal nila. Maski nga si Jennylyn Mercado nagsasabing kaya nga nag-online selling ang mga tao, gumagawa ng sariling diskarte dahil nawalan ng trabaho at wala namang maaasahang ayuda sa gobyerno, tapos sisingilin pa sila ng tax. Ganyan ang sentiments ng marami, at kung magkakaroon nga ng tax, tiyak ipapasa rin nila iyon sa mga bibili sa kanila, kagaya rin ng pagpapasa nila ng bayad sa delivery. Tataas din ang kanilang presyo at ang mahihirapan ay ang mga mamimili.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with