^

Pang Movies

Ogie at Regine, hindi na puwedeng magtrabaho ng sabay

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ogie at Regine, hindi na puwedeng magtrabaho ng sabay
Ogie at Regine

Alam mo, Ateng Salve, bago mag-1:00 p.m. kahapon ay nakatsikahan ko sa pamamagitan ng Viber app ang singer/songwriter na si Ogie Alcasid.

Isang production number na lang daw siya sa taping ng ASAP Natin ‘To at pauwi na siya ng bahay.

Pagdating daw sa ABS-CBN compound, nag-COVID-19 rapid test muna siya para nga safe ang lahat sa taping nila ng Sunday musical show ng Kapamilya Channel.

Negative ang result ng rapid test ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid, kaya nakapag-taping siya. “So, may rapid test uli bago siya umuwi?” tanong ko kay Ogie na sinagot niya ng “Hindi na. Bukas uli pagbalik ko for another taping!”

So, ngayong araw na ito, may taping na naman si Ogie, pero hindi raw siya kasali sa live bukas ng ASAP Natin ‘To.

“Si Reg ang nasa live bukas. Hindi kasi kami puwedeng sabay mag-work dahil walang maiiwan kay Nate,” sabi ni Ogie.

Wala rin kasing yaya si Nate, kaya palitan daw sila ni Regine sa pag-aasikaso sa kanilang anak.

Pag-uwi raw ng bahay ay hindi naman kailangang mag-quarantine siya.

“Hindi naman, negative naman ang rapid test result ko. Parang umalis lang ako ng bahay at nag-grocery,” sabi ni Ogie, pero natural daw na pag-uwi, magsa-shower siya kaagad at mag-disinfect.

Kinumusta ko ang taping nila at mahigpit nga raw. Bawas daw ng tao at wala talagang audience.

‘Yun na talaga ang new normal ngayon.

Catriona at Sam may ilalantad sa online show ni Pinky

Alam mo, Ateng Salve, ang bongga rin ng amiga ni Manay Lolit Solis na si Chemist Pinky Tobiano dahil ang daming nanonood ng online show niya sa Facebook page ng Cornerstone Entertainment, huh!

May essential cleaning tips si Pinky at noong Thursday nga, nag-promote pa sila ng Pinoy pork na dapat daw suportahan.

On Thursday, 7:00p.m. naman, kaabang-abang ang episode niya dahil guests ang mag-sweethearts na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Sam Milby.

Nang magkatsikahan kami noong isang araw ng businesswoman/philanthropist/online show host, sinabi niyang excited siya sa episode na ‘yon.

Magkahiwalay daw ng location sina Catriona at Sam, pero sabay ang pagsalang sa kanyang online show.

Sa galing ni Pinky na mag-host, for sure, mauusisa niya ang dalawa hindi lang tungkol sa cleaning tips na alam ng mga ito kundi pati sa relasyon ng dalawa, ‘noh?!

Hindi kaya mabuking na ang complete details ng relasyon nina Catriona at Sam sa interview sa kanila ni Pinky on Thursday?

Naku, Ateng Salve, tutukan na natin ‘yon on Thursday sa Facebook page ng Cornerstone Entertainment, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with