^

Pang Movies

EB, gagastusan ang second wedding ng mga kinasal sa quarantine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahit ang long-running noontime show na  Eat Bulaga ay sumunod sa New Normal nang mag-decide silang mag-live last Monday, June 8, at after three days ay nag-live na sila para sa new episodes ng  Bawal Judgmental segment nila kahapon. Pinaghandaan ng show ang gagawin para makasunod sa guidelines like social distan-cing sa mga host sa loob ng APT Studios, sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Alden Richards at Maine Mendoza, habang naka-Zoom naman si Bossing Vic Sotto, Pauleen Luna at Joey de Leon from their homes.

Para sa New Norm ng Bawal Judgmental, nagpagawa ng malalaking face shields ang show, parang mga doll na nasa loob ng malalaking cubicles ang seven contestants.  Si Teri Onor ang first guest at kumuha sila ng kasamang magtatanong ni Teri, via Zoom din. Bawat contestants ay nag-submit ng health declaration bago sila naka-join sa show. 

May nurse at doctor din sa studio to supervise. 

Topic ng Bawal Judgmental iyong mga ikinasal ngayong COVID-19 pandemic, kung paano nila ginawa dahil limited ang mga taong pwedeng mag-attend ng kasal. Sabi nga nanaig pa rin ang pag-iibigan ng mga ikakasal, kaya kahit biglaan, ang mahalaga ay naikasal sila.

At may message si Bossing Vic sa kanilang lahat, kapag natapos na ang nararanasan nating pandemic, may regalo ang Eat Bulaga sa kanila na sasagutin nila ang muling magaganap nilang kasalan.

Hyun Bin, sa GMA muna

Ngayong Biyernes na magtatapos ang Taga-lized Korean romantic comedy series na Strong Girl Bong Soon at papalitan ito ng Secret Garden na unang ipinalabas sa GMA-7 in 2018. Ginampanan ito ng very popular actor ngayon ng Korea, si Hyun Bin, dahil sa Crash Landing on You.

Sa Secret Garden si Hyun Bin ay si Owen, tagapagmana ng family business nila na na-meet si Jamie (Ha Ji-won) na isang stuntwoman na galing sa hirap.  Mapapanood ito sa Lunes, June 15.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with