Arjo tatlong buwan nasabik kay Maine
Kahit ngayong pandemya ay ayaw pa ring tigilan ng mga basher ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Pero ayon sa aktor ay hindi na lang niya ito iniintindi lalo pa nga sa panahon ngayong mas kailangan natin ang magtulungan.
“It’s pointless bashing people, especially now na kailangan nating magtulungan,” ani Arjo sa live interview sa online Beautederm TV last Tuesday.
“I think, we all have to get along, respect each other’s opinion and you know, sabi nga nila, respect each other’s opinion but you have to respect someone’s opinion, you have to understand beyond,” dagdag niya.
Nagpapasalamat naman ang aktor sa ArMaine fans nila ni Maine na napaka-supportive raw eversince. Nilinaw din niya na hindi naman daw sila nakikipag-compete sa ibang loveteam.
Mensahe niya sa bashers, “let’s stop being foolish. It’s not the right time.”
Tungkol naman sa relasyon nila ni Maine, aminado si Arjo na talagang naging mahirap sa kanila ang nakaraang tatlong buwan dahil hindi sila nagkikita. Pero natutuwa naman siya na ngayong GCQ na ay pwede na silang magkita.
Waray at Biday umeeksena
Hindi pasado at tila walang sinseridad para sa karakter ni Kate Valdez na si Caitlyn sa GMA series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ang naging apology vlog ng ex-best friend niyang si Ginalyn (Barbie Forteza).
Sa kanyang reaction vlog, sinabi ni Caitlyn na hindi niya naramdaman na galing sa puso ang paghingi ng tawad ni Ginalyn at parang wala naman daw itong balak na maayos pa ang kanilang nasirang friendship.
Matatandaan na bago ipatigil ang taping ng serye, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang magkaibigan matapos malaman ni Caitlyn na si Ginalyn ang gusto ng boyfriend niyang si Cocoy (Migo Adecer).
Naaliw naman ng sobra ang netizens sa pagiging in character ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday cast sa kanilang vlogs at hiling pa nila ay magkaroon na talaga ng YouTube channel na dedicated para sa makukulay na karakter ng show.
- Latest