Misis ni Jay-R ‘di pa handa sa baby
Two wedding ceremonies pala ang dapat gagawin ng mag-asawang Jay-R at Mica Javier, pero dahil sa COVID-19 pandemic, isa lang ang natuloy.
Nakansela ang dapat ay civil wedding ceremony sa US noong February para sana kumpleto ang family members ni Jay-R, pero naging problema na raw ang pag-travel sa ibang bansa dahil sa COVID-19.
Natuloy naman ang March 1 beach wedding nila sa Boracay at two weeks after that ay nagkaroon na ng lockdown sa buong Luzon.
Hindi raw inakala nina Jay-R at Mica na pagkatapos nilang ikasal ay tatlong buwan silang magkukulong sa kanilang bahay dahil nagkaroon ng quarantine.
Pareho pa naman daw silang busy sa kanilang career noon.
“What I have discovered is that she’s really a good cook. One look at a recipe and she will pull the dish off and it will be delicious. I’m her assistant in the kitchen,” tnatatawang kuwento ni Jay-R.
Habang naka-quarantine, patuloy lang ang pag-create ng music ni Jay-R para sa music label niya na Homeworkz. Nagsimula na rin daw siyang mag-online show tulad ng ibang music artist. Isa pang hinihintay ni Jay-R ang ang magkaroon na sila ng baby ni Mica. “I have been wanting to have a baby. But of course, it takes two to tango, so to speak. So I will just have to wait for her to be ready.”
- Latest