^

Pang Movies

Megan buntis na?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Megan buntis na?!
Megan

Marami ang pumuri sa kasimplehan ni Megan Young sa nakapanood ng video na pinost ng husband niyang si Mikael Daez na kung saan, kahit butas na ang medyas, sinusuot pa rin ni Megan. Si Mikael pa ang nag-alis ng medyas ni Megan kaya nakitang parehong butas ang suot nitong medyas.

Sabi ni Mikael, kailangang alagaan si Madam at kasunod noon, ipinakitang ibinasura ni Mikael ang butas na medyas ni Megan na pinanghinayangan ni Megan. Kasi sabi nito, sana tinahi na lang nila ang medyas at hindi na itinapon.

Marami ang naka-relate kay Megan, ganu’n daw sila, kahit butas na ang medyas, sira-sira na ang duster o may butas ang underwear, isinusuot pa rin at hindi itinatapon.

May netizen din nakapansin na pati ang pants na suot ni Megan, may butas din at tiyak, mahabang panahon pa niyang gagamitin at hindi papayag na itapon.

Pinansin din na kung paano laging nakangiti sa video si Mikael, lagi namang nakasimangot, grouchy at parang laging wala sa mood si Megan.

Ang netizens na rin ang sumagot sa kanilang tanong, baka raw buntis na si Megan. Oh baka bad mood lang o kaya’y inaatake ng mood swings. Sana nabasa ni Megan ang mga comment sa kanya at kanyang sagutin.

Speaking of Megan, kapag puwede nang mag-taping sa GMA-7, sisimulan na nila ang taping ng teleseryeng Legal Wives na kung saan, gaganap si Megan na isa sa three wives ni Dennis Trillo.

Marissa Sanchez na-insecure kay Kim Chiu

Aliw ang comment ni Marissa Sanchez sa paggi-guest ni Kim Chiu sa WISH Bus para kantahin ang controversial and hit song niyang Bawal Lumabas. Sabi ni Marissa, “buti pa nga sya inere eh... biruin nyo... ako ang guesting ko jan hindi nilabas eh singer ako...”

Natawa ang mga nakabasa sa comment ni Marissa at ipinaalala sa kanya na ‘yung song ni Kim nag-number one trending sa Wish 107.5 at nag-number one sa Pinoy MYX Countdown. Umabot din sa 10M ang views nito in one day. Eh, si Marissa, wala naman daw isyu at walang new single.

Kaya lang, ang guesting ni Kim sa Wish Bus, kung marami ang nag-like, mas marami ang nag-thumbs down na ibig sabihin, may mga hindi rin natuwa. Kaya ‘wag nang magtampo si Marissa.

Samantala, bilang suporta kay Kim, pinost ni Xian Lim sa IG Story ang guesting ni Kim sa Wish Bus at may caption na “Obviously they don’t like a taste of their own medicine.” Sinundan pa ng “Congrats @chinitaprincess. Bashers can dwell on their own misery and type anonymously throughout their lifetime. Naysayers will never come close to having a good heart like yours. Keep rising. Keep loving...”

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with