^

Pang Movies

EB,hilaw pag wala sina Vic at Joey!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Parang matabang sa amin ang dating ng Eat Bulaga nang magbalik sila live on the air. Kagaya rin naman ng ibang mga show, hindi sila live talaga lahat sa studio. May mga dabarkads na naka-remote sa kanilang mga bahay kagaya nina Joey de Leon at Vic Sotto na siya talagang mga host ng show. Siguro dahil nga sa pag-iingat dahil ang dalawa ay senior citizens na rin naman, at sinasabi nga na ang mga senior ay immuno difficient, meaning kung matiyempuhan mas madaling kapitan ng virus.

Pero sina Vic at Joey ang nagdadala ng show.

Nasanay na ang mga taong wala roon si Tito Sotto dahil talaga namang sumisipot lamang siya kung kailangan, simula iyon nang siya ay maging vice mayor at hanggang sa naging senador nga.

Pero iyong wala ang isa kina Vic at Joey, malaking kakulangan iyon. Iyong sabay pa silang wala, mas dagok pa sa show. Iba ang dating noong naroroon sila sa studio at nakikipagbatuhan ng jokes, lalo na nga si Joey na napakabilis umisip ng katatawanan.

Aywan kung ano ang gagawin nila sa mga susunod na araw, pero ang tingin namin matabang nga ang show nang hindi sila live mula sa studio. Kahit na puro replay ang ginawa nila noong nakaraang halos dalawang buwan, parang mas nakakatawa pa rin dahil normal nga ang palitan nila ng jokes.

Panatang Makabayan biglang naalala

Issue ba talaga ang Panatang Makabayan? Natatandaan namin, noong nasa elementary grades pa kami, ang Panatang Makabayan na iyan ay tinatawag naming Pledge Of Allegiance at binibigkas namin pagkatapos kantahin ang Lupang Hinirang na wikang Ingles.

“I love the Philippines. It is the land of my birth. It is the home of my people. It protects me and helps me to be strong, happy and useful.” Noon bandang huli, ginawa na ngang Tagalog ang panatang makabayan.

Pero sa kaso ng ABS-CBN, hindi ang Panatang Makabayan ang issue. Ang issue ay bakit hindi maliwanag ang umiiral na batas kung ang isang dual citizen kagaya ni Gabby Lopez ay kailangang pagbawalang mag-may ari ng isang media company. Sana inilagay din nila sa batas, dual citizens not allowed para mas maliwanag.

May panahon na ang  media companies sa Pilipinas ay hawak talaga ng mga dayuhan. Ang Channel 7 na Republic Broadcasting System noon ay kay Bob Stuart. Ang dzRH noong araw ang may-ari ay si Samuel Gaches na may-ari rin ng Heacock Department Store sa Escolta na ang announcer ay si Hal Bowie. Ang Philippines Herald, kasama iyan ng Radio Mindanao Network at Inter Island Broadcasting Corporation na ang majority stockholder ay si Don Andres Soriano na isa ring American citizen.

Binago ang batas, kailangang Pinoy ang may-ari ng mga media network, pero hindi sinabing disqualified ang may dual citizenship, at iyon ang dapat na ameyendahan ng kongreso ngayon, para hindi sila nagkakagulo.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with