^

Pang Movies

Martin sa hotel muna titira pag nag-ASAP!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Martin sa hotel muna titira pag nag-ASAP!
Martin

Alam mo ba, Ateng Salve, katsikahan ko kahapon ng madaling araw ang Concert King na si Martin Nievera.

Around midnight kasi natatapos ang The Quaran-Twins Facebook Live nila ng twin-sister niyang si Vicki Nievera, kaya around 1:30 a.m. (Philippine time) ay ka-chat ko siya sa pamamagitan ng Viber chat.

Konting kumustahan at tinanong ko siya tungkol sa kanilang FB live dahil simula sa Sunday ay mapapanood na uli ang ASAP Natin ‘To sa Kapamil­ya Channel. “Every night pa rin kayo kahit may ASAP na uli?” tanong ko na sinagot ni Martin ng “Hanggang June 11 (bukas) then we stop for a little while!”

Ang promise naman kasi ni Martin ay ipagpapatuloy niya ang nightly gig nila ni Vicki sa FB habang hindi pa sila busy.

Pero hindi naman daw nila tuluyang ititigil ‘yon dahil “For as long as we need to keep people company, I am not putting a deadline kung hanggang kailan kami. But as we become busy in the new normal, we have to lessen,” sabi niya, na meaning nga, hindi na sila gabi-gabi na magla-live sa FB.

Naikuwento rin ni Martin na excited na silang lahat sa pagla-live ng ASAP Natin ‘To on Sunday, pero sa Friday pala ang simula ng trabaho nila. “ASAP live on Sunday, but we are taping for future episodes.

“Actually, we’re working three days, June 12, 13 and live on the 14th.

“Basta we are taping portions not sure how they will fix it all,” sabi ni Martin.

Naikuwento ko kay Martin ang napag-usapan namin ni Ogie Alcasid na uwian ito at ang misis na si Regine Velasquez-Alcasid sa bahay nila after each day ng work sa ASAP Natin ‘To.

Pero si Martin, mag-stay raw sa hotel na malapit sa ABS-CBN compound.

“Kasi they (Ogie and Regine) live near ABS-CBN lang naman. I have to stay in a hotel near ABS-CBN kasi safer for those in my house too (saka malayo rin kasi ang bahay niya, sa may Muntinlupa area),” sabi niya.

After ng live episode nila on Sunday, uuwi na si Martin sa bahay at magse-self quarantine na ito.

Dahil din sa COVID-19 pandemic, may protocols sila na kailangang sundin. May rapid tests naman daw sila before and after each working day.

So bago siya umuwi ng bahay sa June 14, may test na naman to be safe.

Sam at Anthony ayaw pang bumalik ng Pilipinas

Kapalitan ko naman ng direct message sa Instagram ang PBA player na si Anthony Semerad. Nasa Brisbane, Australia pa rin ang basketbolista.

Kasama niyang naka-lockdown doon ang fiancé na si Sam Pinto. Ok naman daw sila sa lugar ng kanyang parents. “All is good here,” sabi niya.

Hanggang kailan sila ni Sam sa Brisbane? “Not sure yet. Once everything is all safe, maybe we can go back to the Philippines,” sabi niya.

Hindi ko na tinanong pa si Anthony kung takot ba sila ni Sam na bumiyahe pa dahil malala pa rin ang banta ng COVID-19 at hanggang ngayon kasi ay wala pa ring vaccine.

‘Yun na!

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with