^

Pang Movies

Eat Bulaga live na uli, may pa-cash landing on you

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Eat Bulaga live na uli, may pa-cash landing on you
Eat Bulaga

Marami nang nakaka-miss sa live presentation ng longest running noontime show na Eat Bulaga, at totoo ang balita, ngayong Monday, June 8, ay live na sila without a live audience dahil bawal pa rin ang mga big gatherings kahit umiiral na ang general community quarantine. Dapat pa rin kasing i-observe number one, ang pagsusuot ng face mask at ang social distancing na dapat at least one meter apart ang mga tao.

March 14 pa ang last live show ng EB, at March 16, sa pagbabalik nila na wala nang live audience, sinimulan na nilang i-replay ang paboritong segment ng bayan ang Bawal Judgmental hosted by Vic Sotto and Joey de Leon. 

Hindi kinasawaan ang replay ng said segment na hindi lamang nagpapatawa, nagpapaiyak din at nagbibigay ng lessons sa mga manonood dahil tunay na buhay ng mga contestant na hinuhulaan ng mga special guests ang napapanood nila.

Kasamang niri-replay ang mga past episodes ng EB nang magsimula sila noong July, 1979, ilang episodes ng KalyeSerye nina Alden Richards at Maine Mendoza hanggang sa replay ng Tamang Panahon noong October 24, 2015.

Kung hindi kami nagkakamali, papalitan na ang Bawal Judgmental ng bagong segment na Cash Landing On You na magbibigay ng tulong sa mga magiging contestants.  Gagawin na rin ng show ang Kabuhayan ni Juan Project na magbibigay sila ng tulong sa mga may maliliit na business. 

Ang tulong ay magmumula sa pagbebenta nila ng DVD ng 25th anniversary ng Eat Bulaga at ng bobble heads nina Alden, Maine, Lola Nidora.Rocco pinapakita na ang bahay

Dahil sa ECQ, hindi pala natapos ang ipinatatayong bahay ni Kapuso actor Rocco Nacino, at isang construction worker lamang ang na-lockdown na nagtutuloy ng ilang finishing job sa bahay.  Kaya si Rocco, since wala pang taping ng Descendants of the Sun, minabuting tulungan ang worker. 

Sa Instagram video, ipinakita ni Rocco ang paglalagay niya  ng tiles sa facade ng bahay. Ipinakita rin niya ang ilang parts ng bahay, tulad ng game room, patio, office, master bedroom at ang ensuite toilet and bath. 

Kapag natapos na ito, tuloy na ang blessing ng bahay na dapat ay noong birthday pa niya last March ginawa.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with