^

Pang Movies

Ken ayaw idemanda ang bumangga sa kanyang kotse

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi raw pumasok sa isip ni Ken Chan ang magdemanda laban sa driver ng SUV na nakabangga sa kanyang sasakyan last Wednesday, June 3 sa Timog, Quezon City.

Aniya ay naawa raw siya sa driver na alam din naman niyang nagtatrabaho. “Hindi pumasok sa isip ko na magsampa ng kaso dahil talagang…ang totoo po niyan, sobrang naaawa ako kay Tatay na nakabangga sa akin.

“Sana maayos ‘yung lagay niya at sana hindi masyadong malala ‘yung mangyari sa kanya kasi nagtatrabaho din po ‘yung tao,” pahayag ni Ken.

Good thing ay wala namang natamong kahit anong sugat ang aktor but unfortunately ay sugatan ang driver ng van at isang kasama nito.

Nilinaw ng pulisya na walang pananagutan si Ken sa insidente dahil ang aktor daw ang nabangga.

Jillian milyonarya na sa Tiktok

Certified TikTok millionaire na ang Prima Donnas star na si Jillian Ward matapos pumalo ng higit one million ang kanyang followers sa patok na social media platform.

Sa mura niyang edad na 15, marami na ang sumusuporta sa teen actress dahil nagsisilbi siyang inspirasyon at magandang ehemplo sa kabataan. Dahil daw dito, itinuturing ni Jillian na karangalan ang makapag­hatid ng saya sa mga manonood.

“I feel really blessed knowing that God gave me amazing gifts, talents, and opportunities, I feel it because a lot of people look up to me, especially the younger ones. So I want to set a good example not just with young people but also to older people. I’m just glad that I, somehow, make these people happy with my videos.”

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with