^

Pang Movies

John Lloyd, nakikipag-pulong sa mga ‘pulitiko’ sa Cebu

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
John Lloyd, nakikipag-pulong sa mga �pulitiko� sa Cebu
John Lloyd

Hindi pa rin pala nakakabalik ng Manila si John Lloyd Cruz.

Sa latest post ng The Freeman, sister publication ng Pang Masa sa Cebu, spotted ang actor na nakikipag-meeting sa mga official ng Brgy. San Nicolas, Cebu for programs for the youth daw sa naturang barangay with SK leader and brgy. captain at iba pang officials.

So may chance kayang doon na tumira ang actor, at maging pulitiko na lang sa probinsiya ng kanyang ex na si Ellen Adarna kung saan sila may isang anak na si Elias?

Julia nag-welcome sa Probinsyano, Coco nanahimik

Naki-join si Julia Montes sa pag-welcome sa Ang Probinsyano ni Coco Martin. “Babalik na sya!,” ang post niya the other night nang i-announce nga ng ABS-CBN sa social media platforms na babalik na ang iba nilang programa sa isang bagong cable channel, Kapamilya Channel.

Siyempre, alam ng lahat na si Julia diumano ang nanay ng anak ni Coco kung totoo nga ‘yun pero kapwa sila walang inaamin.

 Anyway, aside from Probinsyano kasama nga sa aarangkada uli ay ang Love Thy Woman at A Soldier’s Heart, pati na ang It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado at sa ASAP Natin ‘To tuwing Linggo.

Ganundin ang Magandang Buhay nina Jolina Magdangal, Me­lai Cantiveros, at Karla Estrada na live na uli mula Lunes hanggang Biyernes.

Magsisimula na rin uli ang The Voice Teens, kasama sina Apl.de.ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga.

Ganundin gabi-gabi ang TV Patrol.

 Sa mga bagong programa naman mapapanood sina Judy Ann Santos-Agoncillo sa Paano Kita Mapasasalamatan at tuwing Linggo naman makakasama si Angel Locsin sa Iba ‘Yan na parehong public service ang format.

Mag-uumpisa silang bumalik sa ere sa June 13, sa paglulunsad nila ng Kapamilya Channel sa SKY, Cablelink, G Sat, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association (PCTA) sa Pilipinas.

Hanggang kahapon ay trending sa Twitter ang Probinsyano.

Samantala, habang maingay ito sa social media ay nananahimik pa naman hanggang kahapon si Coco. Matapos ang ‘galit’ sa pagsasara ng ABS-CBN.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with