^

Pang Movies

Ruffa nagpa-sanitize ng bahay!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ruffa nagpa-sanitize ng bahay!
Ruffa

Ay, Ateng Salve, na-tense na naman ako kahapon (Wednesday late after sa Los Angeles, California) dahil habang nanonood ako ng news sa TV tungkol sa big protest na nagaganap sa downtown L.A., umuga ang kama kung saan ako nakahiga. Lumindol pala at bale 5.5 at hindi kalayuan sa L.A. ang epicenter.

Sa group chat namin ng magkakapatid na Ruffa, Elvis, Richard at Raymond Gutierrez, naikuwento ko ang tungkol sa pagka-tense ko, kaya panay naman ang kumusta nila sa akin.

Si Ruffa, tumawag pa at nakipagkuwentuhan sa akin. Naikuwento niya na nagpalinis siya ng bahay. Hindi basta linis, talagang nagpa-sanitize siya sa isang cleaning company.

Naglagay rin si Ruffa ng anti-virus foot mat with chlorine dioxide sa entrance ng bahay niya para kapag ready na raw silang tumanggap ng mga bisita ay ma-disinfect ang footwears ng mga papasok sa kanilang bahay.

Siya nga pala, umalis siya ng bahay noong isang araw at nagpunta ng BGC kung saan ay nag-grocery siya at talagang naka-PPE (personal protective equipment) siya.

Gawa raw ni Mark Bumgarner ‘yung PPE clothes na suot niya at may special face shield din siya na gamit-gamit kasi better safe than sorry raw!

Of course, importante raw talaga na naka-face mask at i-practice ang social distancing!

Si Richard naman, sinabing nalungkot siya sa mga looting sa Amerika.

Mas lalong nalungkot si Richard dahil sa pagkakagulo kama-kailan sa Beverly Hills kung saan sila lumaki ng twin-brother na si Raymond at kuya na si Elvis. ‘Yung mga lugar sa Rodeo Drive na nagkaroon ng looting, madalas na pasyalan nila noong nakatira pa sila doon. Pati ‘yung Beverly Center mall na pinasok din ng mga nag-loot, favorite mall din nila noong araw.

Nakaka-sad nga raw ang pangyayaring ‘yon. Pero sabi ko naman kay Richard, peaceful na naman ang nagaganap na protest ngayon sa L.A., kaya hindi na ako masyadong kinakabahan. Kinabahan nga lang ako sa lindol.

Siyempre, nakaka-touch ang magkakapatid dahil talagang palagi nila akong kinukumusta, Ateng Salve, huh! ‘Yun na! (Ingat ka lagi diyan teh. Uwi ka na pag okey na ang flight. - Salve)

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with