^

Pang Movies

Mga lolo at lola nagtiis maglakad para sa apong may sakit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Senti ako, Salve, nang mapanood ko sa TV iyong mga lolo at lola na naglalakad kasama ng mga apo nila para dalhin sa doktor, at gawin ang hindi magawa ng parents nila dahil nga nasa trabaho ang mga ito.

Hindi ba ang sarap na kasama mo ang mother o father mo at katulong sa pag-aalaga ng iyong anak. Hirap na hirap ‘yung lola sa pagkarga sa limang taon na apo na kailangang dalhin sa ospital dahil magpapa-x-ray ito, pero ang tatay na janitor, at nanay na server sa isang food chain, nasa trabaho. ‘Yung lola talaga ang may karga sa apo papuntang hospital, dahil nga wala pang masakyan. Hindi iniinda ang hirap para sa apo.

Wow, ang suwerte ng mga magulang na meron pang napag-iiwanan ng kanilang mga anak.

Kaya we should always treasure our precious parents, our most precious gems.

Dobleng pag-iingat ang kailangan…

Dahil puwede nang lumabas ngayon, tayo na ang may hawak ng responsibilidad na para sa sarili natin. Pag hindi ka nag-ingat, bahala kang magdusa sa pagkakaroon ng virus.

Oo, puwede na tayong lumabas, kaya nga mas doble ang responsibilidad mo, sa sarili mo at iyong sa mga tao na makakasalamuha mo. Ikaw na ang magbabantay ngayon, wala ka na sa safety at comfort ng bahay mo, nasa open field ka na.

Doble ingat, please gawin natin ang lahat para hindi masayang ang sakri­pisyo natin ng almost three months.

24 Oras balik sa dating gawi

So glad naman, Salve, na balik-24 Oras na sina papa Mike Enriquez at Mel Tiangco.

Matagal na nagpahinga ang dalawa dahil sa quarantine at lockdown, pero ngayon buo na ang team nila nina Vicky Morales.

Parang nasabik din ang marami kina Papa Mike at Mel dahil ang taas ng rating ng una pa lang nilang pagsalang sa first day of June na tumama ng Monday, kaya tamang-tama. Plus balik na sa DZBB morning program niya si Papa Mike.

Welcome back team 24 Oras, Mike Enriquez, Vicky Morales at Mel Tiangco. Pero sure marami rin ang makaka-miss kay Jessica Soho, dami rin niyang fans ha.

vuukle comment

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with