^

Pang Movies

Pokwang hindi pabor sa lock-in taping

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pokwang hindi pabor sa lock-in taping

Isa ang ABS-CBN comedienne na si Pokwang sa mga hindi pa rin lalabas ngayong araw na ito kahit general community quarantine na sa National Capital Region star­ting today.

Sabi ni Pokwang nang makatsikahan ko, “No! Ayokong lumabas kung hindi naman kailangan. Kung may vaccine na, go, puwede na!”

Takot nga si Pokwang na baka makakuha pa siya ng sakit na COVID-19 kung mae-excite siyang lumabas ng bahay.

Hindi rin pabor si Pokwang sa balik-taping o shooting na ila-lock-in sila dahil wala pa naman daw siyang yaya para sa bunsong anak na si Malia.

Kawawa naman daw ang anak kung iiwan niya ito, pati na rin ang panganay niyang si Mae Subong.

Alumna ng reality show, nakakaraos sa pagbebenta ng disinfectant tray and mat 

Bilib ako sa abilidad ng isang alumna ng isang reality TV show.

Habang nganga pa siya sa showbiz projects, abala siya sa pagbebenta ng ilang produktong importante ngayon.

Marami siyang nakukuhang order ng disinfectant mat and tray at kahit mga fan niya ay nagsisi-orderan sa kanya.

Sabi sa akin nang kinukuhanan niya ng paninda, malaking tulong din ‘yon kay reality TV show alumna dahil kahit paano ay may nakukuha siyang komisyon.

‘Yung pang-araw-araw na gastos daw ni reality TV show alumna ngayon ay nakukuha niya sa komisyong natatanggap sa mga produktong ibinebenta niya.

Eh, siya rin kasi ang breadwinner ng kanyang pamilya, kaya kailangan talagang may pumapasok na pera sa kanya kahit na paano, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with