^

Pang Movies

Kris wala nang lakas pumatol sa bashers

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris wala nang lakas pumatol sa bashers
Kris

Hindi na pinatulan ni Kris Aquino ang nakakagalit na tanong ng isang netizen  na “Did u die? NO! Keep it to urself. It’s covid-19 pandemic time. Pls” na parang galit na galit.

Dahil lang ‘yun sa post ni Kris na kaya hindi natuloy ang FB Live sessions niya dahil inatake siya ng allergy nang makainom ng maling gamot for her migraine.

Namaga ang mukha ni Kris, lalo na sa may eye area, kaya gustuhin man niyang ituloy ang FB Live, hindi muna niya itinuloy.

Mahinahon ang sagot ni Kris sa netizen at sabi, “i had promised 3 more FB Live sessions w/ sharing for those in need-i explained why hindi natuloy” at nakulangan ang mga nakabasa, dapat daw sinita o sinagot man lang ni Kris ang rude basher.

Ang followers na ni Kris sa Instagram ang sumagot at umaway sa rude comment at sila na rin ang dumiskubre sa katauhan nito. Nalaman nilang nurse ang netizen kaya lalo nilang kinalampag ito sa uncalled for comment kay Kris.

Anyway, dahil sa nangyari sa kanya, naging mas careful na si Kris sa mga tini-take niyang medicines. Nakahiwalay na ang medicines niya na everyday tini-take at ‘yung weekly na kanyang tini-take at color coded na rin ang medicine cases para hindi na siya magkamali.

Hopefully, makauwi na sa bahay nila sa Green Meadows sina Kris at mga anak na sina Josh at Bimby kapag nalipat na sa general community quarantine ang Metro Manila dahil ang panggagalingan nilang Puerto Galera ay malalagay sa modified general community quarantine o MGCQ at puwede na yatang mag-travel from Puerto Galera to Metro Manila. Three months na ring hindi nakakauwi sa bahay nila ang mag-iina.

Ruby klinaro ang isyu sa kanila ni Alden

Ang tweet ni Ruby Rodriguez na nakalabas na siya ng Manila Doctor’s Hospital kung saan siya na-confine ng ilang araw, pero kailangan pa niya ng two weeks medication. Hinihintay na lang ni Ruby ang kanyang biopsy result, pero ang ibang procedure na ginawa sa kanya ay okay lahat.

Kaya lang, paglabas ni Ruby ng hospital, isyu agad ang sumalubong sa kanya. May ilang fans kasi ang Eat Bulaga at si Alden Richards ang nagtanong kung may tampo ba si Ruby kay Alden dahil sa patanong nitong comment na “Kilala mo pa ba ako?” dahil matagal na silang hindi nagkikita.

Inakala agad ng ilang fans na nagtatampo si Ruby kay Alden at  tinalakay ito ni Dondon Sermino sa kanyang YouTube channel. Nakarating kay Ruby ‘yun at sinagot si Dondon.

“Ano ka ba dondon? Ganon lagi batian namin pag matagal na hindi nagkikita. Lalo na pag nagbakasyon. Si Joey nagpauso nun kilala mo pa ba kami/ako? Dont put a bad light magkatext kami! Natural lang namiss ko din sya. Ano ba.”

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with