^

Pang Movies

Martin, sanay mag-concert gabi-gabi

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Martin, sanay mag-concert gabi-gabi
Martin

Mamayang 9:00p.m. ang 67th Facebook Live ng Quaran-Twins ni Martin Nievera at twin-sister niyang si Vicki Nievera.

As of this writing, hindi pa sigurado kung itutuloy nila ‘yon kahit na GCQ (general community quarantine) na sa NCR (national capital region) simula sa Monday.

Ang promise kasi ni Martin sa followers nila ni Vicki ay hindi nila ititigil ang kanilang Facebook Live habang naka-quarantine ang lahat.

Pero malay natin, baka i-continue nila ‘yon dahil maraming nagsasabi na kahit GCQ na sa NCR ay hindi pa rin sila lalabas.

So, wait and see na lang kung hanggang bukas na lang ba ang Facebook Live nila, huh!

Anyway, noong Wednesday night ay kilig-kiligan si Martin dahil nanonood sa kanila ang mag-asawang Ogie at Regine Alcasid. Kapag may mga kapwa niya celebrity na nanonood sa kanila, sobrang happy ng Concert King, ‘noh?!

So, ikaw, Ateng Salve, tutok ka na rin mamaya kina Martin at Vicki para mas ma-happy pa sila!

Eric namigay ng P100 sa mga nakitang dumaraan

Nakakatuwa rin ang grupo ng COVIDYANTES na kinabibilangan ng ilang mga komedyante kung saan ay advisers nila sina Randy Santiago, direk Edgar Mortiz at direk Al Tantay.

May ilang kapwa pala nila comedians ang nabigyan din nila ng tulong dahil marami nga sa kanila ang walang work ngayon.

May isang comedian na naospital din ang nabigyan nila ng ayuda.

Si Eric Nicolas, na pinabigyan din ni Randy ng P5,000 dahil ito ang naging abala sa pagdadala ng tulong sa ilang mga batang nasa hospital, ang ginawa sa perang nakuha niya ay pinapalitan sa bank ng tig-100 at ipinamigay sa mga taong nadaanan niya sa kalye na mukhang nangangailangan ng tulong.

Ang sarap lang, Ateng Salve na sa panahon ng pandemic ay usung-uso ang pagtutulungan!

‘Yun na!

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with