^

Pang Movies

CLOY actor nakasungkit ng dalawang endorsement sa bansa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Alam na agad ng mga nakabasa sa announcement ng Bench at ni Ben Chan kung sino ang tinutukoy sa announcement nilang “Your Crush, Landing Soon!” at ang caption na “We won’t let you move on. After months of keeping it a secret, the wait is almost over.”

Nakakatuwa ang reaction ng netizens at parang nahulaan na agad na si Hyun Bin na gumanap na si Capt. Ri sa Crash Landing On You ang tinukoy sa announcement. Ang request ng fans, pati ang leading lady ng CLOY na si Son Ye Jin ay isama rin ng Bench na dalhin sa bansa para kumpleto ang kanilang saya.

Isa pang request ng fans, sa Philippine Arena gawin ang Meet and Greet para magkasya ang maraming fans na bibili ng ticket. Pati mga celebrity, na-excite at mas nakakatuwa ang kanilang reaction.

Bukod sa Bench, nakuha ring endorser ng Smart telecom si Hyun Bin.

Kaya dalawang commercial agad ang nakuha niya.

Sana nga ay madala siya sa bansa.

Happy birthday ni Pauleen kay Coney, nahaluan ng malisya

Kabilang si Pauleen Luna-Sotto sa mga bumati ng happy birthday kay Coney Reyes sa birthday ng aktres noong May 27. Sa Instagram ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan nito binati ang mom niya idinaan ni Pauleen ang birthday greetings kay Coney na Happy birthday, @coneyreyes!”

Positive ang gesture ni Pauleen at marami ang natuwa sa ginawa niya at may nag-comment pa nga na looking forward siya “to see all your family together in one picture soon,” pero walang reaction si Pauleen.

Pero may nag-comment ng pabibo raw si Pauleen sa ginawa nitong pagbati ng happy birthday kay Coney. Dinelete na ni Vico sa kanyang IG feed ang pampasirang comment and in fairness, ‘yun lang ang nakasingit na nega comment.

Bumati rin kay Coney si Kristine Hermosa na wife ng anak ni Vic Sotto kay Dina Bonnevie na si Oyo Sotto at sabi ni Kristine, inspiration niya si Coney at nagpasalamat sa guidance at endless reminders noong kabataan niya.

vuukle comment

BEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with