^

Pang Movies

John Lloyd nanghingi ng permiso para makalayas na sa Cebu

Salve V. Asis - Pang-masa
John Lloyd nanghingi ng permiso para makalayas na sa Cebu
John Lloyd

MANILA, Philippines — Spotted si John Lloyd Cruz sa barangay hall ng Guadalupe, Cebu City kahapon. Ayon sa report ng The Freeman, kumukuha si John Lloyd ng barangay certificate para sa kanyang return sa Manila. Sa Cebu na-lockdown ang actor kaya nakakasama nito ang anak kay Ellen Adarna.

Kamakailan lang din ay nakita itong nagtatanong sa barangay captain ng nasabing barangay kung paano siya makakatulong sa mga naapektuhan ng covid na nasabing lugar.

Nauna nang umamin si John Lloyd na natatakot siya sa nangyayari ngayon para sa  anak na si Elias kung saan co-parenting ang set up nila ng ex. “Iba na ‘yung mundong ginagalawan natin eh, ibang-iba na. natatakot ako eh. Ang bilis nang mamatay ngayon eh, ang bilis nang pumatay. Iniisip ko, matatawag na talaga natin na masuwerte ang sarili natin habang ‘yung iba na hindi maswerte, nababaril lang ng gano’n-gano’n sa kalye. Namamatay na lang ng walang kalaban-laban dahil sa sakit. Ako nahihirapan akong sabihin na maswerte ako, nakakahiya,” banggit ng actor sa isang IG session with Bea Alonzo.

“Parang ito na yata ‘yung pinakamalungkot na pag-iisa. ‘Yung tipong napapalibutan ka naman ng ibang tao, pero hindi mo lang alam, hindi mo masabi kung saan nanggagaling ‘yung pakiramdam na nagsasabing mag-isa ka pa rin,” dagdag niya pa.

Last August nang unang napabalitang hiwalay na sila ni Ellen na dumaan naman sa mental health training sa Bali, Indonesia kamakailan lang dahil sa ‘black hole’ daw na dinanas niya for three years.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with