^

Pang Movies

ABS-CBN parang halamang nalanta na lang!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bakit ba ganun, parang pinipilit ilaglag ang ABS-CBN gayung malaki ang naitutulong nito sa mga mamamayan sa oras ng kalamidad lalung-lalo na ngayong dumarami pa ang bilang ng may covid-19 dito sa ating bansa.

Nakakalungkot marinig na pulos negatibong pahayag ang galing sa ibang kongresista na alam mo namang nagpapapansin lang.

Maihahalintulad mo tuloy ang mga nangyayari sa ABS-CBN sa halamang matapos palakihin at pakinabangan ay pinabayaang mamatay dahil sa hindi pagdidilig.

Matagal na palang usapin ang prangkisa na inihain noon pang 2014 pero bakit wala pa ring aksyon dito?

Hanggang parang nalanta na at ang masakit pa ay isinabay ito sa pananalasa ng masamang espiritu na gawa sa China.

Hay naku kung anuman ang mga isyu nila, ayusin na dapat, agad-agad.

Eddie at Tommy umangal sa pagbabawal sa matatandang magtrabaho

Nakakaintriga naman ang kahilingan ng FDCP na huwag bigyan ng trabaho ang mga senior citizen sa movie industry. Ilan sa mga nag-react ay sina Eddie Gutierrez at Tommy Abuel na kung hindi na sila makakalabas ay sino pa ang magbibigay ng suporta sa pamilya nila and besides may movie ba na walang lolo’t lola, tiyo at tiya?

Alam ba ng nagmumungkahi kung gaano kahirap ang gumawa ng pangalan sa showbiz at ngayon hindi papayagang lumabas dahil senior citizen na sila?

Alam ba nila ang sinasabi nila?

Papatayin ba sila sa gutom dahil lang may edad na sila?

Barbara may dasal sa kanyang birthday

Walang plano ang konsehalang aktres ng Talavera, Nueva Ecija na si Barbara Milano na i-celebrate ang kaarawan ngayong May 29.

Ok na raw na walang selebrasyon basta healthy. Dinarasal na lang niyang matapos na ang lahat nang nangyayaring pandemic sa buong mundo. ‘Yun na lang daw sana ang maging regalo sa birthday niya.                     

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with