^

Pang Movies

Pagiging palaban ni Coco, nabawasan na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

After a long time, nag-post na uli sa Instagram si Coco Martin, pinost nito ang online petition ng ABS-CBN na kung saan, hinihikayat ang netizens na pumirma sa petition.

“Lumaban para sa karapatan at manindigan para sa bayan!!!” Pero dahil naka-disable ang comment box, walang makapag-comment, pero marami ang nag-like sa kanyang post.

May pinost din si Coco na tungkol pa rin sa ABS-CBN at ang sabi, “Itinatag At Pinatakbo Ng Mga Pilipino. Nagbibigay Trabaho Para Sa Mga Pilipino. Naglilingkod Para Sa Mga Pilipino.” Ang caption ni Coco sa second post ay “Lalaban kami at maninindigan.”

Open ang comment  box ng post na ito ni Coco, kaya lang, naka-set sa “Comments on this post have been limited.”

Nami-miss ng netizens ang dating Coco na palaban at open sa pagpapahayag ng kanyang saloobin. Bigla kasing nanahimik ang aktor at ngayon na nga lang uli nag-post.

Regine binalik ang Sarap Diva

Nag-post si Regine Velasquez ng photo ng Kapamilya na mainstay ng ASAP kasama ang staff and crew. May quote siya sa photo na “#IbalikkAngABSCBN #KapamilyaForever “ at “Para sa Pilipino ASAP KAPAMILYA.”

Ang caption niya sa nasabing litrato ay “I miss my ASAP family. Sana makabalik na kami.”

Walang makapag-comment sa post na ito ni Regine dahil disabled ang comment box ng post. Naka-disable rin ang comment box sa post ni Regine tungkol sa online petition at tiyak, nag-ngingitngit ang bashers ni Songbird na hindi nila ito ma-bash, inisin at galitin.

Anyway, nahihilig magluto si Regine at ang nakakatuwa, more on vegetable ang niluluto niya para sa anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.

Kwento ni Regine, hindi mahilig kumain ng veggies si Nate, kaya nag-isip siya ng mga lulutuin na may kasamang veggies para lang kumain ang anak.

In fairness, ang mga niluluto ni Regine, hindi madalas niluluto ng mga mommy, kaya gagayahin siya ng followers niyang may mga anak na mahirap pakainin ng gulay.

Naaliw lang kami sa nag-comment na dahil luto nang luto si Regine, para lang daw Sarap Diva days niya sa GMA-7 kung saan, nagluluto siya at may kasamang singing.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with