^

Pang Movies

Bunny Paras wala nang pakialam kay Mo!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Bunny Paras wala nang pakialam kay Mo!
Bunny and Family

Matagal-tagal na ring panahon mula nang tumalikod sa kanyang showbiz career ang nakababatang kapatid na actress ni Sharmaine Arnaiz na si Bunny Paras para mag-migrate sa Amerika.

Taong 2000 nang umalis si Bunny patu­ngong Amerika bitbit ang kanyang very young kid na si Moira courtesy of DJ Mo Twister (Mohan Gumatay in real life). Moira is now 21 with Friedreich’ Ataxia rare illness kung saan meron siyang muscle disorder. Ang sakit na ito ay wala pa ring lunas hanggang ngayon. Habang lumalaki si Moira ay kailangan na niyang gumamit ng wheelchair.

Hindi nag-comment si Bunny nang ipaalam namin sa kanya na engaged na ang biological father ni Moira na si DJ Mo sa kanyang longtime live-in partner, ang dating DJ na si Angelika Schmeing kung kanino siya ay may isang anak na babae na si Amsterdam.  May isa ring anak si Angelika sa kanyang previous relationship na si Lucas.

Since 21 na raw si Moria, ang kanyang panganay na raw ang bahalang magdesisyon kung gusto nitong magkaroon ng communication o hindi sa kanyang biological father at hindi raw siya makikialam. Ang focus ngayon ni Bunny ay ang sarili niyang pamilya – her Fil-American husband na si Tom Greenway at mga anak.

Inamin sa amin ni Bunny na masuwerte raw siya sa kanyang mister na napakabait at napaka-supportive and a responsible husband. Hindi rin umano nito itinuring na iba si Moira na lumaki na siya ang kinalakihang ama.

Except na hindi makakilos si Moira tulad ng ibang normal na kaedad niya, hindi ito nagpapabaya sa kanyang pag-aaral. Nasa third year na siya sa California Polytechnic State University in Pomona, California kung saan siya kumukuha ng hospitality management course.

Samantala, inamin ni Bunny  na once in a while ay nami-miss niya ang kanyang showbiz career, ang kanyang mga showbiz friends laluna ang mga naging kasamahan niya noon sa youth-oriented program na That’s Entertainment  maging ang yumaong si Kuya Germs (Moreno). Natutuwa rin siya kay Ian Veneracion na nakatrabaho niya noon sa pelikulang Kanto Boy 2 (Anak ni Totoy Guapo) dahil aktibo pa rin ito hanggang ngayon maging ang iba pa nilang mga kasamahan sa “That’s…..”.

vuukle comment

BUNNY PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with