^

Pang Movies

Korina tinawag na DDS slayer!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Korina tinawag na DDS slayer!
Korina

Palaban sa Instagram si Korina Sanchez-Roxas at talagang sinasagot ang netizens na kumukuwestiyon sa ABS-CBN. Gaya na lang sa netizen na nag-comment ng “press freedom? Pero nakakapagbalita.”

Ang sagot ni Korina, “Idiot ka pala eh. Sinarado nga nang walang dahilan ang network diba. Kaya nagbabalita sa ibang plataporma. Pero bakit ba kita sinasagot eh 88 followers na lang. magsarado ka na sis ng tindahan. WALANG BUMIBILI.”

Sa nag-comment na press freedom pa rin ang kanyang isinisigaw, katuwa ang sagot ni Korina na “Makisigaw ka na rin beh. Baka magka pag asawa na madagdagan ang followers mo na iilan lang. Wawa ka naman.”

Katuwa rin ang sagot ni Korina sa nagsabing baka si Korina ang hopeless. “You have 399 followers. Pagbutihin mo pa para man lang makasampa ka ng 400? Ikaw ang hopeless. You cant even see it.”

Sinagot din ni Korina ang nag-comment ng “Funny how this network is protecting as the only icon of press freedom in the Philippines! Hahahahah!” Buwelta ni Korina, “Hindi namen sinasabi yan. The ONLY ICON? Saan, kelan? IKAW nagsabe nyan engot. Such a loser. Burn in hell idiot.”

Dahil sa pagiging palaban sa kanyang bashers, tinawag na “DDS slayer” si Korina at kung may mga natuwa sa pagiging palaban niya, meron din namang mga nagulat. May nagsabi na disappointed sila sa mga sagot ni Korina, pero kung hindi naman magaganda ang sinasabi sa kanya, bakit hindi siya sasagot?

vuukle comment

KORINA SANCHEZ-ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with