‘Clint’ nag-trend sa panunumbat kay Catriona!
Biglang trending sa Twitter ang Fil-German model-actor na si Clint Bondad gamit ang hashtag na #ClintBondad.
Eh nataon ang pag-trend ni Clint nang sumabog na ang kumpirmasyon na may relasyon na sina Sam Milby at Miss Universe Catriona Gray.
Kung sakaling nakalimutan na ninyo, si Clint ang boyfriend ni Catriona bago naging Miss Universe pero naghiwalay nang manalo ang beauty queen.
Eh sa nakakakilala kay Clint, fake account pala ang @ClintBondad.
“Fake account yung twitter ni clint bondad mga sis, di siya ‘yon,” - @justinskrrt.
Sinabi naman ni @jeanandreaaa, “Please do not follow the fake account. This is not clint bondad twitter account.
Heto ang tweet ng poser na ikinaalarma ng netizens.
“I was there when you lost the world, and I was there when you achieved the Universe but now I’ll watch you glow from afar until our stars collide again,” - @ClintBondad.
Kasama sa tweet ng nasabing netizen nang koronahan si Catriona bilang Miss Universe.
- Latest