^

Pang Movies

Nag-alagang nurse kay Sylvia, nagka-covid!

Gorgy Rula - Pang-masa
Nag-alagang nurse kay Sylvia, nagka-covid!
Sylvia

MANILA, Philippines — Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang komunikasyon ni Sylvia Sanchez sa mga nurse at doktor na nag-alaga sa kanila ni Art Atayde sa Cardinal Santos Hospital kung saan sila na-confine nang magka-COVID-19.

Naikuwento sa amin ni Sylvia na iyak daw siya nang iyak nu’ng nakaraang linggo lang nang nalaman niyang nagka-COVID na rin daw ang bed nurse niya na talagang nag-alaga sa kanya. “Nagkaka-text kasi kami.  Nung nag-positive siya, iyak ako nang iyak, kasi feeling ko… alam mo yung…tanong ko sa kanya, sa akin ka ba nahawa?

“Umiiyak talaga ako,” pahayag ni Sylvia nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules ng gabi.

“Sabi niya, ‘Ma’am hindi po. Two weeks na po kayong wala dito. Kasi siya talaga ang nag-aasikaso sa akin eh. So lahat na nagka-COVID  na nandun, ina-assist niya.

“Yung iyak ko nung nalaman ko nagka-COVID siya, grabe,” sabi pa ni Sylvia.

Iba raw kasi ang nararamdaman mo kapag may nababalitaan may nagka-COVID, lalo na kapag may pumanaw.

Kaya nga si Christopher de Leon, as much as possible ay hindi siya nagpapa-interview dahil sobrang apektado raw siya kapag may napapabalitang may namatay sa COVID-19, lalo na kapag kilala niya.

Nagpasalamat naman si Sylvia na wala siyang kakilala o malapit sa kanya na namatay sa COVID.

Pero sa ngayon ay ginagawa raw niyang positibo ang nangyari sa kanila ni Art.

“Gusto ko maging positibo na sa nangyari sa amin ni Art,” pakli ni Sylvia. “Ang positibo dun na buhay kami, buo ang pamilya ko at saka napatunayan ko na ang dami-daming nagmamahal sa amin. Napatunayan ko rin na marami ring mga taong mabubuti ang loob.

“Napatunayan ko rin dito sa ABS na hindi lang trabaho bilang artista. Nung nagka-COVID ka­ming mag-asawa lahat ng boss namin ipinagdasal kami. Maraming mga taong may mabuti talagang kalooban,” dagdag na pahayag ni Sylvia.

Movie producers nagkakagulo sa guidelines!

Iniiwasan sanang palakihin ang isyu ng dalawang bersyon ng guidelines at protocol na inihanda ng Inter-Guild Alliance at Film Development Council of the Philippines. Pero napapag-usapan pa rin ito sa industriya sa ngayon, at gusto na rin itong pag-aralan ng iba’t-ibang produksyon na gusto nang magsimulang magtrabaho.

Ang medyo nakakalito lang, alin sa mga inihandang guidelines ang susundin.

Nagpahayag ang PMPPA o Philippine Motion Picture Producers Association of the Philippines, ang grupo ng mga movie producers na itong inihanda ng Inter-Guild Alliance ang kanilang susundin.

Naunang naglabas ng guidelines ang FDCP na Interim Guidelines On Safety Protocols for the Conduct of Film and Audiovisual Production Shoots to Mitigate COVID-19, at ang sumunod ay ang sa IGA.

Sabi ni Liza Diño ng FDCP, kailangan pang ipa-approve sa IATF at DOH ang inihandang guidelines, pero nilinaw din ni Atty. Joji Alonzo na hindi na kailangang idaan sa approval ng mga naturang ahensya.

Sabi ni Atty. Joji, “There is no need to have the Inter Guild Alliance protocols approved by the IATF, but that our submission would be most welcome as it may be useful for other workers similarly situated. We have already complied with the submission.”

Nagpasalamat din siya kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinabi nitong hindi na kailangan ng approval ng IATF ang inihandang protocols para sa film industry.

Pero kamakailan lang ay naglabas naman ng statement ang FDCP kaugnay sa pag-release ng Interim Guidelines on the Conduct of Film and Audiovisual Production Shoots to Mitigate COVID 19.

Bahagi ng kanilang pahayag; “As of today, May 22, 2020, the FDCP is closely working with the DOH on the final draft of the COVID-19 Safety and Health Guidelines for the Film and Audiovisual Industry.”

Tinanong nga namin si direk Joel Lamangan na miyembro ng DGPI, dapat na makipag-usap daw sa kanila si Liza kaugnay dito.

“Alam nya (Liza) na merong ginagawa ang Inter-Guild na protocol. Nag-una siyang naglabas ng Interim Protocol. Hindi niya inalintana na meron namang ginagawa ang mga nasa pelikula mismo. Dapat siya ang magsabi bilang nasa government agency. Dapat ang sasabihin niya, ang masusunod na ay iyung ginawa ng IGA, dahil sila mismo ang gumawa niyan. Hindi iyung ginawa lang ng government agency. Dapat siya ang magsabi nun,” pahayag ni Direk Joel.

Nilinaw niyang ang inihanda ng IGA ang kanilang sundin, at para sa FDCP naman daw ang kanilang ginawang guidelines.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with