^

Pang Movies

Maxene sumailalim sa psychological therapy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maxene sumailalim sa psychological therapy
Maxene

Inamin ni Maxene Magalona na siya ay sumailalim sa psychological therapy at iyon ay nakabuti sa kanya. Inamin din niyang may panahong hindi na masasabing normal ang naging takbo ng kanyang kaisipan dahil sa mga problema. Ngayon hinihikayat niya ang ibang mga taong posibleng dumadaan din sa kanyang naranasan na huwag mahiya, at kumunsulta sa mga espesyalista sa ganoong karamdaman.

Tama ang sinasabi ni Maxene, lalo na sa panahong ito nang matagal na quarantine, marami na ang talagang nabuburyong at kailangan nila ng psychological help.

Nag-offer ng P200-M para pumatay kina Angel, Kim at Coco, super peke

Masasabi nating hindi karaniwan ang kaso ni Nhiel John Abellanosa, 25 anyos at isang driver sa isang resort. Sumuko siya sa NBI Southern Mindanao, matapos niyang malaman na siya ay pinagbibintangang nag-alok ng 200 milyong piso para mapatay sina Angel Locsin, Kim Chiu at Coco Martin. Sinabi niyang hindi siya gumagawa ng ganoong pagbabanta at ang totoo ay wala siyang account sa nasabing social media platform.

Iyan ang kalokohan sa social media eh. May magda-download ng picture mo, ilalagay iyon sa gagawin nilang account at gagamitin sa kalokohan. Maski nga kami nabiktima na rin ng isang grupo ng mga bastos na fans na gumawa nang ganyan eh.

Pero sa appreciation ng kaso, una dapat alamin kung may kakayahan ba ang tao na mag-alok ng 200 milyon para mapatay ang ibang tao? Wala namang ganoong kakayahan si Abellanosa na isang driver lamang. Ikalawa, may galit ba siya kina Angel Locsin, Kim Chiu at Coco Martin para pag-isipan niya ang ganoong bagay?

Ang gumawa noon ay may sira ang tuktok, at kung sino man ang gumamit sa pangalan at picture ni Abellanosa, huwag na ninyong pansinin dahil sira ang tuktok niyan. Siguro dahil sa matinding init ng panahon, hindi pa nakakapaligo kaya ganyan.

Iyang mga banta-bantang ganyan sa internet, gawain lang iyan ng mga sira ang tuktok dahil kung talagang papatay iyan, hindi na iyan magbibigay ng warning. Bakit pa siya magsasalita, eh ‘di nakaiwas pa ang target niya. Kaya iyang mga nagsasalita nang ganyan, buang iyan.

Ang problema nga lang, kaya noon pa namin sinasabi huwag kayong magtitiwala sa social media eh, papaano nga kung fake account kagaya niyan?

vuukle comment

MAXENE MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with