^

Pang Movies

Mga artista at singer kanya-kanyang kayod na sa hitsura!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, sa panahon ng COVID-19 pandemic, totoo pa rin ang kasabihang “the show must go on” sa mga taga-showbiz!

Hindi nga ba maraming online shows ang mga artista’t singer ngayon na sila-sila mismo ang nagse-set-up ng camera at mga ilaw?

Kanya-kanya rin silang ayos sa sarili.

Kung noon ‘yan na walang pandemic, kailangan maraming nag-a-assist sa kanila, pero ngayong hindi na nga normal ang lahat, kanya-kanyang gawa ng paraan. Kumbaga, DIY o do it yourself ang drama ngayon ng karamihan sa mga artista’t singers.

Actually, may isang nagtsika nga sa akin kahapon na pati raw sa Star Magic catalogue, kanya-kanyang diskarte raw ang mga artista ng talent management division ng ABS-CBN.

DIY raw ang mga litrato ng Star Magic artists na isasama sa kanilang E-catalogue.

So, kanya-kanya sila ng pictorial sa bahay nila.

‘Yung mga may kasama sa bahay, puwedeng magpatulong, pero ‘yung mga naka-lockdown na solo lang, didiskarte ng sarili lang talaga.

Siguro kailangang gamitan nila ng timer ang camera o cellphone nila sa pagkuha ng pictures na isa-submit nila sa mga handler nila sa Star Magic.

Naku, ikaw ang magaling sa mga ganyang selfie pictorial, Ateng Salve, kaya kung may kailangan ng tips sa kanila, ikaw ang ituturo ko, huh!

Hahaha!

Ruffa naging make-up artist at hairstylist na rin

Aba, ang bilis din talagang lumipas ng mga araw dahil kahapon ay first monthsary na ng Essential Cleaning Tips ng chemist/businesswoman/philanthropist na si Pinky Tobiano sa Cornerstone Entertainment Facebook page.

Sa totoo lang, bagay si Pinky na mag-host ng ganoong klase ng online show, huh! At palaging bongga ang mga guest niya.

Kahapon nga, naging guest niya sina Ruffa Gutierrez at Teacher Georcelle with Moi Bien bilang co-host ni Pinky.

Sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic, maraming matututunang essential cleaning tips sa online show na ‘yon at puwede pa kayong manalo ng gadgets at cellphone loads, huh!

Sabi ni Ruffa nang makatsikahan ko kahapon, very inspiring daw ang online show na ‘yon ni Pinky, kaya nag-effort pa siyang mag-ayos para doon.

Yes, dahil lockdown nga, si Ruffa na mismo ang gumagawa ng make-up at hairstyle niya!

‘Yun na!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with