^

Pang Movies

Sen. Cynthia na-misinterpret na naman

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sen. Cynthia na-misinterpret na naman
Cynthia Villar

Naku ayan na naman ang hindi gaanong nakuha ang ibig sabihin ni Sen. Cynthia Villar. Siguro katulad ko rin na kung minsan face value lang kung basahin o pakinggan ang sinasabi kaya nagkakaroon ng misunderstanding.

Ayaw ko namang sabihin na mahina ang comprehension kasi nga kung minsan biglang dinig o isang basa hindi mo agad makukuha ang talagang message. Like that time when I used the word lucky for experiencing the pandemic and being a witness sa shutdown, mas madali siguro nilang nakuha ang ibig kong sabihin kung ang ginamit kong word ay blessed.

Kaya sana, makita rin natin what it really means, hindi naman sa ayaw ni Sen. Cynthia Villar na bigyan ng ayuda ang middle class, itinatanong lang niya kung akma ba ito sa unang pinag-usapan na bibigyan ng ayuda o SAP.

Actually nga, gusto niya na ang mabigyan ay ang middle class na talagang affected, iyon talagang nawalan na ng trabaho.

Huwag agad maging judgmental at maging bashers, intindihin natin nang mabuti.

Go go sa ayuda para sa lahat.

Mga nagbibigay ng stress, dapat na iwasan

Alam mo ba, Salve, iyon feeling na more than the gifts, it’s the friendship and trust na binigay sa iyo ng mga friend mo ang mas mahalaga. ‘Yung feeling na they respect and trust you, iyon ang mas overwhelming sa puso.

Siguro nga pag 73 years old ka na, kahit mababaw na, it tickles your heart. Saka nasa stage ka na rin ng buhay mo na ayaw mo na ng complicated na bagay. Pag alam mo na magbibigay lang sa iyo ang isang bagay ng stress, iwasan mo na.

Pag inabot mo ang number 7 sa edad, malaki nang bonus ito sa iyo kahit pa nga medyo malapit na rin sa departure area, pero big deal na sa panahon ngayon dahil parang maikli na ang life span ng tao.

Hay life, so happy waking up every morning, sleeping soundly at night, thank you God.

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with