^

Pang Movies

Nora pumayag maging frontliner

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Nora pumayag maging frontliner
Nora

Birthday greetings sa nag-iisang Superstar Nora Aunor today,
May 21.  Parang wor-
king birthday ngayon ni Ate Guy dahil sasabak siya today sa isang
monovlog na handog ng Tanghalang Pilipino (TP) sa mga manonood sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ginampanan ng Superstar ang role ng isang senior frontliner na nagluluksa sa pagkawala ng kanyang asawa sa panahon ng krisis, ang “Lola Doc.”

Si Nanding Josef, artistic director ng TP ang kumausap kay Ate Guy para sa proyekto na akda ni Layeta Bucoy, na siya ring sumulat ng monovlog na “Lolo Doc” na ginampanan naman ni Nanding Josef.  Hindi tumanggi si Ate Guy sa role niya pero nagulat daw siya nang sinimulan na niyang basahin ang script.

“Diyos ko po, mukhang mahirap po ata itong gagawin ko, nang makita kong ang hahaba ng sasabihin ko,” sabi ni Ate Guy. “Pero na-challenge ako, ginawa ko rin, kahit noong simula para akong loko-loko na ginagawa ko ang eksena, wala akong kausap, sarili ko ang kausap ko.  Kaya labis-labis ang pasasalamat ko kay Tata Nanding sa paggabay niya sa akin habang ginagawa ko ito.”

Today, May 21, ipalalabas ang Lola Doc sa YouTube channel ng Tanghalang Pilipino, ganap na 6p.m., na kaarawan nga ni Ms. Nora Aunor.

Replay ng Kalye Serye tambak ang TVCs

Masayang-masaya ang AlDub Nation (ADN) na loyal fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, dahil after two weeks na nag-replay ang Eat Bulaga ng mga dating episodes ng Kal-ye Serye, tulad ng unang sabi ni Joey de Leon, ay ipinagpatuloy nila ang pagri-replay nito.

Bakit nga naman hindi, bukod sa nagti-trending araw-araw ang hashtags ng ipinalalabas nilang episodes, kapansin-pansin ang napakaraming TVCs na umeere sa buong oras ng longest-running noontime show.  Araw-araw ay tumataas ang dami ng TVCs na matiyagang isinusulat ng isang fan at pino-post sa kanyang Twitter account. Pinakamataas niyang nai-post ay noong Saturday, May 16, na umabot ito sa 126 TVCs, bukod sa TV plugs ng mga shows ng GMA-7.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with