^

Pang Movies

Tambalang Alden at Bea, naunsyami ng virus

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Tambalang Alden at Bea, naunsyami ng virus

Kung hindi pala nagkaroon ng lockdown, dala nga ng kasalukuyang umiiral na pandemic dahilan ng COVID-19 baka nasimulan na ni Alden Richards ang kanyang second project for the Kapamilya Network (Star Cinema), a film, no less, with Bea Alonzo, his dream leading lady.

No need to remind you na ang first project niya with the Kapamilya was super success. To date, Hello, Love Goodbye, na pinagbidahan nila ni Kathryn Bernardo, ay considered na highest grossing film ever sa local showbiz.

Alden is one of the busiest talents ng Kapuso, where he is under contract to.

Katatapos niya lang ng drama series na The Gift, nang alukin siyang maging co-host ng Centerstage, isang reality talent show, kasama sina Betong Sumaya, Pops Fernandez, Aicelle Santos at Mel Villena.

Pops wish na hindi magbago si Alden

Of Alden, hanga raw si Pops sa binata, dahil kahit daw sikat na sikat na ito, napapansin daw niyang hindi ito mayabang. In fact, napakabait daw nito.

Halos magka-edad daw sina Alden, who is 27, at ang panganay nila ng dating asawang si Martin Nieverra, si Robin, who is 25.

Kaya, parang anak na raw, ani Pops, ang turing niya kay Alden.

Hangad niya na di magbago si Alden, lalo na sa pagiging genuinely kind.

Alvin buong linggo napapanood

Bidang-bida ang reporter, newscaster and TV host na si Alvin Elchico sa teleradyo these days.

Aba, walang araw na hindi siya napapanood sa TV o napapakinggan sa radyo.

Kasama niya sa isang newscast si Zen Hernandez. At gabi-gabi (weekdays), napapanood siya sa programang SRO (Suhestiyon, Reaksiyon, Opinion), kasama si Doris Bigornia, at nakakaaliw panoorin at pakinggan ang discussion at reaction nilang dalawa.

No wonder, ang dami nilang followers.

Sundays, mapapanood naman siya with Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castillo, well, sa isang programa na malaki ang naitutulong sa mga consumers.

Zen at Atom tahimik sa relasyon

Speaking of Zen Hernandez, sila pa rin ba ni Atom Araullo, na dating Kapamilya, tulad ni Zen, pero ngayon ay isa nang Kapuso?

Habang napapanood si Zen sa mga newscast ng ABS-CBN, nasa 24 Oras ng GMA naman si Atom.

Ganunpaman, the two look good together.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with